Social Media at ang Eleksyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total views

Malaki ba ang papel ng social media sa pagkahalal ng mga kandidato tuwing eleksyon?

Maraming mga pagsasaliksik ang nagawa upang masagot ang tanong ito. May mga eksperto na nagsasabi na naging malaki ang bahagi ng social media sa Brexit Referendum sa Inglatera, pati na rin sa presidential election sa Estados Unidos. Dito sa ating bansa, marami ring eksperto ang nagsasabi na nagamit ang Facebook upang mapanalo ang ating kasalukuyang pangulo.

Makapangyarihan ng social media ngayon, kapanalig. Ang kapangyarihang nito ay mahahalintulad sa kapangyarihan ng radio at telebisyon nung panahon ng kanilang kahitikan. Hindi ba’t noong una, ang radio ang ating unang puntahan para sa balita at libangan, hanggang ito ay napalitan ng telebisyon. Ngayon, miski ang telebisyon at radio ay atin ng ma-a-access sa social media mismo. Kaya’t nararapat lamang na ating ma-monitor kung ang social media ba ay nagagamit para sa kabutihan at katotohanan. Ang lawak at ang dami ng naabot at naiimpluwensyahan nito.

Ang social media sa ating bansa ay maari maging weapon o sandata ng mga politiko – maari itong maging pugad ng kasinungalingan at paninira. Hindi natin dapat hayaang mangyari ito. Ang bulko ng mahigit 61 milyong botante ng ating bansa ay nasa edad 18-30, na siya ring bulko ng mga social media subscribers sa bansa. Ang maling impormasyon ay maaring makapagdulot ng maling desisyon para sa maraming Filipino.

Isipin natin, kapanalig, na maaring mas malawig pa ang abot ng social media sa ating populasyon kaysa sa educational system ng bayan. Dahil nga hindi naman lahat ng Filipino ay nakakapag-aral, lalo ngayon, ang social media na ang kanilang pangunahing nakukuhan ng impormasyon at kaalaman. Kung puro kasinungalingan ang kanilang makikita dito, hindi natin sila matutulungan umunlad.

Ang social media din ay ang pangunahing pinagkukunan ng balita ng mas maraming Filipino. Marami ng pagkakataon kung saan mga fake news ang nakikita ng ating mga mamamayan, na minsan, nanggagaling pa mismo sa mga opisyal ng bayan. Kung hindi tayo magpa-fact-check sa mga nababasa natin sa social media, madali tayong mabobola, at kalaunan, tayo ang ka-awa-awa.

Ngayong paparating na ang eleksyon, ang social media ay magiging battle ground, kapanalig. Hindi natin dapat payagan na ang mamayani sa mga platapormang ito ay mga trolls na walang ginagawa kundi takutin ang mga tao o magbigay ng maling impormasyon. Kailangan nating maging mapanuri! Ayon sa Gaudium et Spes, lahat ng mamamayan ay dapat may ambag sa pulitika. Ang pagbabantay ng katotohan sa social media kapanalig, lalo ngayong eleksyon, ay isang napakabuluhang ambag na dapat nating gawin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 93,084 total views

 93,084 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 123,307 total views

 123,307 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 149,956 total views

 149,956 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 244,929 total views

 244,929 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 259,853 total views

 259,853 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 93,085 total views

 93,085 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 123,308 total views

 123,308 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 149,957 total views

 149,957 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 244,930 total views

 244,930 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top