Cardinal Advincula, mapapakinggan at mapapanood live sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mamamayan na subaybayan ang pastoral visit on-the-air ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ito ay gaganapin sa Hulyo 19, 2021 sa programang Barangay Simbayanan kasama si Angelique Lazo at Fr. Nolan Que ganap na alas otso hanggang alas nuwebe ng umaga.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dadalaw ang ika – 33 arsobispo ng Maynila sa himpilan upang ibahagi ang mga adbokasiya sa kanyang pamumuno sa Arkidiyosesis.

Ilan sa mga paksang tatalakayin sa pastoral visit ang pagtatatag ng mga mission stations, pagbubukas ng mga simbahan para sa Sakramento ng Kumpisal, pagtatayo ng retirement home para sa mga pari ng Arkidiyosesis at mga pro-poor programs na makatutulong sa mahihirap na komunidad.

Matatandaang Marso ng kasalukuyang taon nang hirangin ni Pope Francis si Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Maynila kahalili ni Cardinal Luis Antonio Tagle na itinalaga ng Santo Papa sa iba’t ibang tanggapan sa Vatican.

Hunyo 24 naman nang pormal na iluklok ang Cardinal sa Arkidiyosesis sa pangunguna ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa isang pagdiriwang sa Manila Cathedral na sinaksihan ng mananampalataya at civil leaders.

Samantala ang pastoral visit on-the-air program ng himpilan ay isang pagkakataong ibinibigay sa mga obispo para maiparating sa mamamayan ang mga programang ginagawa sa bawat diyosesis gayundin ang pagbabahagi at pagninilay sa mga turo ng Simbahan.

Ilan sa mga naging panauhin sa programa na regular mapakikinggan sina CBCP President-elect, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, Novaliches Bishop Roberto Gaa, San Pablo Laguna Bishop Buenaventura Famadico, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Antipolo Bishop Francisco De Leon, Baguio Bishop Victor Bendico, Malolos Bishop Dennis Villarojo, San Fernando Archbishop Florentino Lavarias at ang kinatawan ng Vatican na si Archbishop Charles Brown.

Mapakikinggan ang programa sa Radio Veritas 846, Radyo Veritas 1233 Bayombong, Cignal Cable TV 313, E-Radio portal at mapapanuod sa Radyo Veritas PH Facebook page at YouTube channel.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 22,575 total reads

 22,575 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 43,053 total reads

 43,053 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 80,431 total reads

 80,431 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 111,699 total reads

 111,699 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 186,178 total reads

 186,178 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 278,273 total reads

 278,273 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 22,576 total reads

 22,576 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top