Panalangin ni Cardinal Advincula sa bagyo at lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,532 total reads

Hiniling sa Panginoong Diyos ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na i-adya ang mamamayan sa panganib at sakuna na dulot ng lindol at matinding pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ipinagdarasal din ni Cardinal Advincula sa Panginoon na pahupain ang masungit na panahon at mawala ang banta ng lindol.

Dakong 4:48 ng umaga ng tumama ang 6.6 magnitude na lindol sa Calatagan Batangas na naramdaman sa Mindoro Provinces at National Capital Region, Bulacan at Cavite.

Lubog din sa tubig baha ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan gayundin sa probinsiya ng Mindoro, Romblon, Marinduque dulot ng walang tigil na pag-uulan na sanhi ng Habagat at bagyong Fabian.

PANALANGIN

Panginoong Diyos, ikaw ang lumikha ng langit at lupa.

Ikaw din ang mapagmahal naming Ama. Ingatan mo kami sa mga panganib at sakuna na dulot ng malakas na pag-ulan, pagbaha, at lindol.

I-unat mo ang iyong mga makapangyarihang kamay upang pahupain ang masungit na panahon at mawala ang banta ng lindol. I-unat mo din ang aming mga kamay sa pagtulong at pagdamay sa mga kapatid naming labis na naaapektuhan ng mga sakunang ito.

At turuan mo kaming alagaan at pahalagahan ang kalikasan na iyong handog sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesuskristo, kasama ng Espiritu Santo, sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria. Amen.

H.E Jose Cardinal Advincula
Archbishop Archdiocese of Manila

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 36,562 total reads

 36,562 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 262,992 total reads

 262,992 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,459 total reads

 156,459 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,490 total reads

 250,490 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 292,988 total reads

 292,988 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top