Programa ng Simbahan para sa OFW, patuloy na pinalalakas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total views

Patuloy na pinalalakas ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang programa nito para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na DASMA o Diocesan Awareness for Servant Ministry Apostolate sa mga diocese sa bansa.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, nakatutok ito partikular na sa mga pamilya ng mga OFW na naiwan sa Pilipinas na turuan sila na makapag-impok at maglingkod sa Simbahan.

Sinabi pa ng obispo, na binabantayan din nila ang mga anak ng mga OFW kung nakakapag-aral ang mga ito para na rin maayos ang kanilang kinabukasan.

Payo pa ni Bishop Santos, hindi habambuhay malakas ang pangangatawan kaya’t kung dumating ang panahon na magkaroon ng suliranin sa kalusugan maging sa estado ng hanapbuhay, may madudukot ang pamilya bilang panimula.

“Pinalalakas natin ang tinatag natin sa bawat diocese, ang DASMA, Diocesan Awareness for Servant Ministry Apostolate na kada diocese ay magkaroon ng ministry na tutok sa OFW at yung mga naiwang pamilya ay mabantayan, makapaglingkod sa Simbahan, tinitingnan ang mga anak kung nakakapag-aral at yung mga asawa na mabigyang pagkakataon na mapaglingkod sa Simbahan at turuan sila ng mga gawain na time will come magiging pangangalakal at business, pag may suliranin ang mga asawa binibigyan natin sila ng kasagutan tagapamagitan sa pamahalaan at labor agencies, tutok tayo sa kanilang karapatan, tagapagtanggol, ang kanilang dapat makamit at pinapadala na magamit sa tamang pamamaraan, pinaaalalahanan sila na dapat silang mag impok at isipin ang ipinadalala ay gamitin sa tama. Ang pagtatrabaho dun ay walang katiyakan, hindi sila laging malakas at malusog kaya dapat silang magtipid, mag-impok para makapundar ng negosyo o makapag-ipon para sa kanilang kinabukasan at matatag na pamumuhay,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Una ng inilunsad ang ng CBCP-ECMI ang DASMA noong 2014.

Kaugnay nito, sa ulat ng Commission on Overseas Filipinos (CFO), tinatayang nasa mahigit 13 milyon ang mga OFW na nasa ibat-ibang mga bansa sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 806 total views

 806 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 23,965 total views

 23,965 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 45,240 total views

 45,240 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 218,320 total views

 218,320 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 214,586 total views

 214,586 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top