Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Diocese na tatamaan ng bagyong Ferdie, umaapela ng panalangin

SHARE THE TRUTH

 238 total views

Nakahanda na at naka antabay ang mga Diyosesis na posibleng makaranas ng masamang panahon dulot ng Typhoon Ferdie.

Ayon sa Social Action Director ng Diocese of Laoag na si Msgr. Noel Ian Rabago, bagamat hndi pa ganap na nararamdaman ang epekto ng bagyong Ferdie sa kalupaan ng Ilocos Norte ay nakahanda na sila sa anumang paglikas at pangangailangan ng mga residente sakaling magdulot ng pinsala ang nasabing bagyo.

Inihayag ni Msgr.Rabago na bukas ang kanilang mga Simbahan para magsilbing evacuation center sakaling kailanganin ng mga residente.

“Nakahanda tayo. All churches are ready as evacuation centers” mensahe ni Msgr.Rabago sa Veritas 846 Damay Kapanalig.

Umapela naman ng pagdarasal ang Archdiocese of Tuguegarao matapos na ideklara sa ilalim ng Storm Signal 2 at 1 ang lalawigan ng Cagayan.

Umaasa si Tuguegarao Social Action Director Rev.Father Augustus Calubaquib na hindi na labis na magdulot ng pinsala ang bagyong Ferdie bagamat may taglay din itong kalakasan.
“Wala pang pag-ulan dito ngayon pero hopefully hindi na makapinsala” pahayag ni Fr. Calubaquib.
Inaasahang magdudulot ang Typhoon Ferdie ng pag-ulan at malakas na hangin sa Batanes at Babuyan group of Islands maging sa ilang lugar sa hilagang Luzon.
Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 215 kilometro kada oras tinatayang ang typhoon Ferdie ang pinakamalakas na bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa taong kasalukuyan.(Rowel Garcia)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,775 total views

 13,775 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,712 total views

 33,712 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,972 total views

 50,972 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,520 total views

 64,520 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,100 total views

 81,100 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,293 total views

 7,293 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 31,775 total views

 31,775 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 45,067 total views

 45,067 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top