Walang problema sa kalikasan kung isinasabuhay ng tao ang pananampalataya sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 305 total views

Hinimok ng Philippine Movement for Climate Justice ang bawat Filipino na makiisa sa Season of Creation sa pamamagitan ng pagbabalik sa kanilang pananampalataya, at alalahanin ang kahalagahan ng bawat nilalang ng Panginoon.

Ayon kay Ian Rivera National Coordinator ng PMCJ sa pamamagitan ng paggamit sa encyclical on Environment na Laudato Si bilang background sa pangangalaga sa kalikasan ay maaalala ng bawat tao ang kanilang tungkulin na dapat gampanan sa sangnilikha.

“Ang usapin dito ay nakapatungkol sa Season of Creation, malaking usapin na babalikan ang laudato si at ang usaping ito [sa kalikasan] ay hindi sana magiging problema o komplikado kung ang lahat ay tinataguyod at palaging binabalikan ang ating pananamapalataya na lahat ng ating buhay ay nagsisimula sa isang malaking maykapal na Diyos,” pahayag ni Rivera sa Radyo Veritas.

Samantala, tiniyak ni Rivera na magpapatuloy ang pagtutulungan ng mga non-government organizations sa simbahan upang mas mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan.

Matatandaang bago pamunuan ni Secretary Gina Lopez ang Department of Environment and Natural Resources ay inihayag nitong gagamitin niya ang Laudato Si bilang panuntunan sa pangangalaga sa kalikasan at sa mamamayan.

Kaugnay nga dito, batay sa isinagawang mining audit ng DENR simula nitong Agosto, umabot na sa sampung minahan ang nasuspinde ng ahensya dahil sa labis na pagkasira ng komunidad na kinatatayuan ng mining operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 55,455 total views

 55,455 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 179,866 total views

 179,866 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 221,946 total views

 221,946 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 299,285 total views

 299,285 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 314,862 total views

 314,862 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top