Sa likod ng gintong tagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Mga Kapanalig, ilang oras lamang matapos ang huling SONA ni Pangulong Duterte noong nakaraang Lunes, isang makasaysayang balita ang ating natanggap nang makamit ng Pilipinas ang kauna-unahang gold medal nito mula nang sumali tayo sa Olympics noong 1924.

Nangyari ito sa pamamagitan ng ipinamalas na galing at lakas ng Pilipinang weightlifter na si Hidilyn Diaz. Inulan ng papuri ang atletang laking-Zamboanga nang talunin niya ang walo pang ibang atleta sa weightlifting, kabilang ang world record holder na galing China. Talaga namang galak at tuwa ang hatid sa buong bansa ng makasaysayang tagumpay ng ating babaeng atleta at ang kanyang kahanga-hangang lakas at determinasyon.

Sa dinami-rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Hidilyn bago makamit ang kanyang makasaysayang panalo, sinong mag-aakalang isa rito ang pagkakadawit niya sa isang matrix na inilabas ng Malacañang noong 2019? Gaya ng mga biktima ng red-tagging, minsan ding naging biktima si Hidilyn ng walang basehang paratang ng pamahalaan nang mapabilang ang pangalan ng atleta sa “oust-Duterte” matrix ng Palasyo. Naglalaman ang nasabing diagram ng mga ugnayan o pagsasabwatan umano ng iba’t ibang mga indibidwal, grupo, at organisasyon para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte. Mariing nilinaw ng atleta at ng iba pang personalidad na nadamay dito na walang basehan ang matrix na iyon.

Nang muling lumutang ang isyung ito pagkatapos ng pagkakapanalo ni Hidilyn, imbis na humingi ng paumanhin, itinanggi pa ng Palasyo ang pagkakadawit ng atleta sa iprinesenta nitong matrix. Sinabi ng dating tagapagsalita ng pangulo at ngayon ay chief presidential legal counsel na si Salvador Panelo, hindi siya hihingi ng paumanhin dahil wala raw siyang kinalaman sa nasabing matrix. Isinapubliko lang naman niya raw iyon dahil iniutos ni Pangulong Duterte. Wala ring kinahinatnan ang diagram na inilabas ni Panelo at kalauna’y inamin niyang hindi naberipikang maigi ang matrix. Ang mensahe naman ni Pangulong Duterte kay Hidilyn: “let bygones be bygones.” Kalimutan na raw ng atleta kung anuman ang hindi magandang nangyari dahil sa matrix.

Nakababahala at delikado ang pagpaparatang ng pamahalaan nang wala namang matibay at malinaw na ebidensya. Maliban sa batikos at katakut-takot na pagbabanta mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Duterte, napagbintangan ding kasapi ng NPA ang ama ni Hidilyn dahil sa maling pagkakasangkot ng anak sa matrix. Labis na nakaapekto ang maling paratang ng pamahalaan sa kanyang reputasyon, sa kanyang pamilya, at lalo na sa career niya bilang atleta. Sa kabila ng lahat, napatawad na raw ni Hidilyn ang mga taong nagbintang sa kanya at sa kanyang pamilya, ngunit hiling niyang maging mapanuri na sana ang mga tao lalo na sa mga nababasa sa social media.

Tandaan natin ang paalala ng Panginoon sa Zacarias 8:16-17: “magsabi kayo ng totoo… Humatol kayo nang tama para sa ikabubuti ng lahat. Huwag kayong magbalak ng masama laban sa inyong kapwa, at huwag kayong susumpa ng kasinungalingan dahil ang lahat ng iyan ay aking kinapopootan.” Bilang mga opisyal ng gobyerno, dapat na mas lalong nakabatay sa matibay na ebidensya ang mga impormasyong ipinalalabas nila. Nakalulungkot at nakadidismayang hindi na nga maibigay sa ating mga atleta ang buong suportang lubos nilang kailangan, gawa-gawang akusasyon pa ang idaragdag ng pamahalaan sa balikat ng mga katulad ni Hidilyn na nagdadala ng karangalan para sa bansa.

Mga Kapanalig, aral ito para sa ating lahat, lalo na para sa ating mga opisyal ng pamahalaan na tahakin ang daan tungo sa katotohanan. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin nating igalang ang katotohanan at maging responsableng saksi sa kung ano ang tama. Magbubunga ng kaayusan at ng isang lipunang may paggalang sa dignidad ng bawat isa kung tayo—lalo na ang mga namumuno sa atin—ay namumuhay batay sa katotohanan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,271 total reads

 80,271 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,379 total reads

 158,379 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,827 total reads

 191,827 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,123 total reads

 227,123 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 450,459 total reads

 450,459 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 80,272 total reads

 80,272 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,380 total reads

 158,380 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,828 total reads

 191,828 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,124 total reads

 227,124 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top