Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total views

ECQ na naman kapanalig sa maraming bahagi ng ating bansa. Sa bilis ng pagkalat ng COVID 19 ngayon, kinailangan ng bansa na maging mas strikto sa pag-galaw ng tao upang ating magapi ang pandemya.

Kaya lamang kapanalig, maraming Filipino ang ang tunay na mahihirapan sa mas mahigpit na quarantine. Gaya ng nakaraan, mas marami na namang kababayan natin ang mawawalan ng trabaho at magugutom. Ayon nga sa National Economic Development Authority (NEDA), mawawalan ang ekonomiya ng P105 billion kada isang linggo ng ECQ. Madadagdagan din ng 177,000 ang naghihirap na Filipino at 444,00 ang mawawalan ng trabaho.

Sa ganitong sitwasyon, kailangan natin ng pakikiisa o solidarity. Ang maging maralita sa panahon ng pandemya ay isang nakakapanlumong karanasan—para sa marami, ito ay parang kumunoy na dahan-dahang humihila ng pag-asa. Sa ganitong panahon, marami sa atin ang nakakaramdam ng pag-iisa at desperasyon. Sa ganitong pagkakataon, marapat na maalala natin ang patnubay ng Gaudium et Spes na nagsasabi na: God, who has a parent’s care for all of us, desired that all men and women should form one family and deal with each other as brothers and sisters. Kung tayo’y tunay na magkakapatid, hindi natin hahayaang may maapi at maghihirap sa ating lipunan.

Kaya nga’t ang community pantries sa ating bayan ngayon ay lalo pang nagiging mas mahalaga sa marami. Ito ay kongkretong manipestayon ng pakikipag-kapatiran at pagmamahal sa kapwa. Ito ay nagpapa-alingawngaw ng katuruan mula sa Compendium of Catholic Social Teachings na nagdidiin sa kahalagahan ng pakikiisa o solidarity. Ayon dito, ang solidarity ay isang otentikong moral na kagalingan o authentic moral virtue. Hindi lamang ito awa o pagkabahala sa paghihirap ng iba. Ito ay isang pangako o commitment ng pagkilos para sa kabutihan ng balana.

Kailangan lamang nating maalala na ang ayudang hanap ng tao ngayon ay hindi lamang pera o relief goods. Hanap din natin ngayon ay reassurance o pagpapanatag ng kalooban—sa pamamagitan ng pagsabay, pag-gabay, at pag-alalay sa ating paglalakbay tungo sa kagalingan at kalusugan ng lahat. Kaya nga’t ang pagpawi ng gutom na dala ng community pantries ay mas malalim para sa marami. Sinasalamin nito ang “Miracle of the Five Loaves and Two Fishes.” Sa ating pagbibigay ayuda, tayo ay nagsisilbing liwanag at himala para sa mga pagod at nagugutom sa ating lipunan.

 

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 90,192 total views

 90,192 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 120,415 total views

 120,415 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 147,064 total views

 147,064 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 242,037 total views

 242,037 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 257,124 total views

 257,124 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 90,193 total views

 90,193 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 120,416 total views

 120,416 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 147,065 total views

 147,065 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 242,038 total views

 242,038 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top