Cardinal Tagle, tiwalang matatagpuan ng mamamayan ng Taytay Palawan ang kabutihan ng Panginoon sa pamamagitan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Napaabot ng pagbati ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle kay Taytay Bishop Broderick Pabillo sa pagkakaluklok bilang pinuno ng isa sa bikaryato ng Palawan.

Naniniwala si Cardinal Tagle na sa pamamagitan ni Bishop Pabillo ay mararanasan at matatagpuan ng bawat mananampalataya ang kabutihan ng Panginoon.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle ang pananalangin para kay Bishop Pabillo sa kanyang bagong misyon matapos ang 15-taong paglilingkod sa Archdiocese of Manila.

“I pray for you and the Vicariate of Taytay in a special way on this day of your installation. God will show His faithfulness to His people through you, and you will see God’s grandeur through them,” mensahe ni Cardinal Tagle kay Bishop Pabillo sa Facebook post ng Archdiocese of Manila – Office of Communications.

Si Bishop Pabillo ay naging katuwang ni Cardinal Tagle sa loob ng siyam na taon na nagsilbing Arsobispo ng Maynila bago itinalaga ng Santo Papa Francisco bilang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples na nakabase ang tanggapan sa Roma.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan ay nasa pangangasiwa ng Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples na pinamumunuan ni Cardinal Tagle.

Si Cardinal Tagle ay kasalukuyang nasa bansa para sa isang maikling bakasyon.

August 19 naman nang iluklok sa Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan si Bishop Pabillo sa isang payak na pagdiriwang na ginanap sa St. Joseph the Worker Cathedral na pinangunahan ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 20,730 total reads

 20,730 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 57,546 total reads

 57,546 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 283,816 total reads

 283,816 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,283 total reads

 177,283 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,203 total reads

 270,203 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,024 total reads

 5,024 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top