COVID 19 pandemic ay paalala ng Diyos na ang buhay ng tao at kalikasan ay magkakaugnay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 829 total reads

Tanggapin ang misyon ng pagiging katiwala ng pananampalataya at kalikasan.

Ito ang hamon ni Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay sa pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon na may temang ‘A Home for All? Renewing the Oikos of God’.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang panahon ng paglikha ay tinatawagan ang bawat isa na gampanan ang mga tungkuling maging mabuting katiwala at tagapangasiwa ng mga likas na yaman ng mundo na nilikha ng Diyos.

Gayundin, sinabi ng kardinal na sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito ay hinihimok din ang bawat isa na magpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa lalo na sa mga higit na nangangailangan.

“Tanggapin natin ang ating misyon na maging katiwala ng pananampalataya. At ngayon pong Season of Creation, yan po ang ating papel, maging mabuting katiwala ng kalikasan na regalo ng Diyos. Maging mabuting katiwala ng bawat isa bilang magkakapatid at lalo’t higit maging mabuting katiwala ng pananampalataya na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno sa pananampalataya.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle sa isinagawang banal na misa sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral.

Samantala, nabanggit din ni Cardinal Tagle na marahil ang umiiral na coronavirus pandemic ay paraan ng Diyos upang maipabatid na ang kalikasan at ang buhay ng tao ay tunay na magkaugnay.

Dagdag pa ng opisyal ng Vatican na ang paggunita sa Season of Creation ay hindi lamang proyekto kundi paanyaya sa bawat isa na manumbalik at muling isabuhay ang mga aral at turo ng Panginoon hinggil sa pangangalaga sa sangnilikha.

“Kaya sana maging pang-gising sa atin ito. At bilang mga kristiyano… hindi lamang ito project, ito ay espiritwalidad. Kasama ito sa pananampalataya… sa ating pananagutan sa lumikha… sa pagsunod kay Hesus… sa ihip ng Espiritu-Santo,” ayon kay Cardinal Tagle.

Dito sa Pilipinas, ang Diyosesis ng Imus ang unang naglunsad ng Season of Creation noong taong 2009 sa pangunguna ng noo’y Obispo ng Imus na si Cardinal Tagle.

Ito ang nagbunsod sa iba pang Diyosesis sa bansa na isagawa rin ang paggunita sa panahon ng paglikha bilang pagkilala sa likas na yamang handog ng Diyos sa sangkatauhan, gayundin ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sa buong mundo, ipagdiriwang ang Season of Creation sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 4 – kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang sa Oktubre 10 bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 101,125 total reads

 101,125 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,924 total reads

 177,924 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 211,372 total reads

 211,372 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,672 total reads

 246,672 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 469,301 total reads

 469,301 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,460 total reads

 158,460 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top