Hindi kailangan ng batas militar upang mamatay ang demokrasya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,881 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan, may kumalat na post sa Facebook na nagsasabing: “I am ready for martial law.”  Ayon sa post na ito, sobra na raw ang demokrasya sa ating bansa. Ipagkatiwala na lang daw natin sa pangulo ang pagpapasiya sa kung ano ang nararapat.  

Sobra na nga ba ang demokrasya sa ating bansa?  

Mahalagang sangkap ng demokrasya ang pakikilahok ng mga tao sa lipunan sa isang makahulugang paraan—hindi sa pamamagitan ng paghalal ng isang pinuno na gagawa ng lahat ng desisyon para sa kanila, kundi sa patuloy na pakikibahagi sa pagpapasya tungkol sa pamamalakad at patutunguhan ng lipunan.  

Isang pamamaraan ng pakikilahok ang malayang talakayan. Dito maihahayag ng mga tao ang sariling kuru-kuro at pananaw tungkol sa dapat gawin ng pamahalaan at taumbayan sa ikabubuti ng nakararami. Ang malayang talayakan ay nakabatay sa karapatan ng malayang pananalita.  Ang karapatang ito ay kinikilala ng Gaudium et Spes, isang dokumento ng Second Vatican Council at bahagi ng kataruang panlipunan ng ating Simbahan, bilang kondisyon sa aktibong pakikikibahagi ng taumbayan sa buhay at pamamahala ng estado.

Sipatin nga natin, mga Kapanalig, ang kalagayan ng malayang pananalita sa ating bansa ngayon.  

Tunay ngang buhay pa rin ang malayang pananalita sa ating lipunan, lalung-lalo na sa mass at social media. Ngunit kapansin-pansin ang panggigipit na nangyayari ngayon sa mga naghahayag ng hindi pagsang-ayon sa ilang panukala o pamamalakad ng pamahalaan.  

Ang panggigipit ay nanggagaling hindi lamang sa ilang opisyal ng pamahalaan, kundi sa mga pangkaraniwang mamamayan. Magsabi kayo ng opinyong taliwas sa patakaran ng pamahalaan ay aani kayo mula sa mga taong hindi ninyo kilalá (at hindi kayo kilalá) ng insulto at paratang na wala namang batayan sa katwiran. Nariyang sasabihan kayong “bobo”, “bayaran”, “dilawan”, “kriminal”, “kasabwat ng drug lord”, o kalaban ng pagbabago, “enemies of change.” Minsan nauuwi pa sa mararahas na mga banta—dahil tila ba nauuso na sa ating lipunan ang mararahas na banta. Bakit kaya? Dahil dito, marami nang natatakot maghayag ng opinyong kritikal at kumikuwestyon sa anumang palakad ng pamahalaan.  

Marahil ipagtatanggol ng mga nang-iinsulto, nag-aakusa, at nagbabanta ang ganitong panggigipit bilang karapatan nila sa malayang pananalita. Ngunit hindi demokratiko ang paggamit ng malayang pananalita kung ang pakay nito ay kitilin ang malayang pananalita ng mga taong may iba at kasalungat na pagtingin. Lalo itong hindi demokratiko kapag nauuwi sa mararahas na banta. Sabi nga ng peace activist na si Johan Galtung: ang mararahas na banta, hindi man tuparin, ay karahasan pa rin. Hindi paraang demokratiko ang paggamit ng karahasan upang maresolba ang pagkakaiba ng pananaw.  

Kung laganap sa ating lipunan ang ganitong panggigipit, masasabi kayang sobra ang demokrasya sa ating bansa?

Hindi tunay ang demokrasya kung iisa ang opinyong umiiral rito at walang tumututol.  Kailangang hayaang maihayag ang iba’t ibang pananaw at maipagtanggol ito sa pamamagitan ng katwiran at ebidensya, hindi sa pamamagitan ng pang-iinsulto, demonisasyon, at pananakot.

Ang panggigipit sa mga taong may ibang pananaw—magmula man sa pamahalaan o sa pangkaraniwang tao—ay isang paraan ng pagpatay sa demokrasya. Hindi kailangan ng batas militar para patayin ang demokrasya. Upang mamatay ang demokrasya, kailangan lang na pairalin ang iisang pananaw sa pamamagitan ng pambu-bully at pagbabanta sa may ibang pananaw, at kailangan lang na ang binu-bully at binabantaan ay tumahimik.   

Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang mga opisyal ng pamahalaan at ang ating mga sarili, na nawa’y ang maging tugon natin sa naiibang pananaw ay ang pakikinig at pagiging bukás na umunawa at mangatwiran—hindi ang pang-iinsulto o pagbabanta. Ipagdasal rin nating patuloy tayong bigyan ng Panginoon ng katapangang tumutol sa mga patakaran ng pamahalaang hindi naaayon sa Kanyang mga batas.

Ngayong ika-40 taóng anibersaryo ng batas militar, ipagdasal rin nating patuloy na mabuhay ang ating demokrasya, at ang malayang talakayang nakabatay sa malayang pananalita.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 30,361 total views

 30,361 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 53,520 total views

 53,520 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 74,795 total views

 74,795 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 244,542 total views

 244,542 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

International Wellness Day

 30,362 total views

 30,362 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 53,521 total views

 53,521 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 74,796 total views

 74,796 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »
Scroll to Top