Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,546 total views

Mga Kapanalig, napagpasiyahan kamakailan ng ating mga mambabatas na ipagpaliban sa susunod na taon ang halalan ng barangay na dapat sana’y idaraos sa katapusan ng Oktubre.  Isang dahilang ibinigay ng mga mambabatas ay upang maisabay na lang daw ang halalang ito sa pagpili ng mga delegado sa constitutional convention kung sakaling ito ang magiging paraang mapagpapasiyahan para sa pagbabago ng ating Saligang Batas. Sang-ayon sa pagpapaliban ang ating pangulo sapagka’t maari rin daw bumaha ng pera mula sa droga sa nasabing halalan, lalo na’t nagiging mainit ang kampanya ng pamahalaan laban dito.

Gaano nga ba kahalaga ang barangay bilang bahagi ng pamamahala sa ating lipunan? Marahil marami sa atin ay ni hindi man lamang nakabisita pa sa opisina ng ating barangay, o kaya naman ay hindi kilala ang ating kapitan o punong-barangay at mga kagawad. Marahil ay napupunta lamang tayo sa barangay kapag kailangan natin ng barangay clearance at sedula, o kung may gusto tayong ireklamong kapitbahay o taong may nagawang masama sa atin; o kaya naman kung tayo ang ipinatawag dahil may nagreklamo laban sa atin.

Totoo ngang isang mahalagang gampanin ng barangay ang panatilihing maayos at mapayapa ang kinasasakupan nitong mga pamayanan, kung kaya namamagitan ating mga barangay officials sa mga nag-aalitan. Ito rin ang isa sa mga pinakikilos ng kasalukuyang pamahalaan sa kampanya nito laban sa droga dahil higit na kilala ng mga namumuno sa barangay ang mga tao.  Pinapamagitan sa mga kagawad ng barangay ang mga alitan at sigalot sapagka’t kung kayang maayos ang mga ito sa mababang antas ng barangay, hindi na kailangang humantong pa ang mga hindi pagkakaintindihan sa korte kung saan lalong tatagal ang pagresolba ng alitan.

Ang ating Simbahan ay kinakatigan ang ganitong prinsipyo sa kanyang mga katuruang panlipunan. Tinatawag po itong prinsipyo ng subsidiarity. Sa ilalim ng prinsipyong ito, kung may mga gampaning maaring isagawa ng mas mababang institusyon, hindi makatarungang sakupin pa ito ng mga nakatataas na institutsyon.  Batay sa prinsipyo ng subsidiarity, makikita nating napakahalaga ng barangay. Sa kaisipan ng ating Simbahan, sa pamamagitan ng mga institusyong nasa ibaba tulad ng mga barangay, higit na maaring maging kabahagi ang mga tao sa buhay pulitikal at panlipunan ng kanilang bansa.

Kung gayon, mga Kapanalig, ano naman kaya ang ibig sabihin nito para sa ating mga mamamayan? Ayon sa ating Simbahan, ang maliwanag na implikasyon ng prinsipyo ng subsidiarity ay ang ating aktibong partisipasyon o pakikilahok. Sa maikling salita, may pakialam dapat tayo. Bilang indibidwal man o sa pamamagitan ng mga organisasyon natin, tayo ay dapat nag-aambag sa pangkalahatang buhay ng pamayanan at lipunan.  Sinasabi pa ng Simbahan na dapat ay hindi limitado ang pakikilahok na ito sa iilang larangan ng buhay ng pamayanan.  Sa katunayan, napakahalaga, ayon sa ating Simbahan, ang pakikilahok sa buhay panlipunan at pampulitika.

Samakatuwid, napakahalagang ang mga mamamayan ay may tuwirang pakikilahok sa kanilang barangay. Pinakasimpleng paraan na marahil ang dumalo sa mga pinapatawag na asembliya o mga pagpupulong ng barangay.  Halimbawa, inaalam ba natin kung saan ginagastos ang pera ng barangay? Ikalawa, iparating natin sa barangay ang mga suliranin ng ating pamayanan o kaya ay magbigay ng mga mungkahi sa maaring gawing mga solusyon.  Ikatlo, seryosohin at pagbutihin ang pamimili ng mga pinuno ng barangay. Gamitin natin ang panahon ng pagpapaliban ng barangay elections upang higit nating makilatis ang mga ginagawa ng ating barangay at ang mga nagpapalakad nito.

Mga Kapanalig, ang mga mungkahing nabanggit hindi lamang upang tayo ay maging mga mabuting mamamayan. Mga paraan ito ng ating pagtalima sa turo ng ating Simbahan na makilahok sa pamamahala ng ating mga pamayanan upang maitaguyod and pangkalahatang kapakanan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 30,728 total views

 30,728 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 59,079 total views

 59,079 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 126,809 total views

 126,809 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 149,960 total views

 149,960 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 217,888 total views

 217,888 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ibinasurang paraiso

 30,729 total views

 30,729 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 59,080 total views

 59,080 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 126,810 total views

 126,810 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 149,961 total views

 149,961 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »
Scroll to Top