1,872 total views
Ito ang ipinanawagan ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity sa Department of Labor and Employment o DOLE dahil sa dumaraming bilang ng mga kabataang walang trabaho.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, kalihim ng komisyon, mahalagang mabigyan ng “awareness” ang mga kabataan sa mga “in demand” na trabaho na nababagay sa kakayahan ng mga nagsisipagtapos na kabataan.
Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na alam na ng DOLE ang mga problemang kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino lalo’t mayroon naman silang mga istatistika na konkretong nagpapakita ng malalang suliranin ng mga aplikante.
“Ayusin ang job matching sila (DOLE) alam nila na yun na hanapan ng solusyon sa education. Kung alam ng mga kabataan at aware sila sa problema maaga pa lamang ay masusuri na nila kung saan ano ba ang mga in – demand na trabaho na makapagbibigay opurtunidad sa kanila. Alam yan ng DOLE kaya dapat tulungan nila ang mga estudyante na mahanap ang kanilang skills habang maaga pa,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid naman na mula sa datos na inilabas ng Labor Force Survey ng DOLE na nito lamang July 2016 sa mahigit 2 milyong walang trabaho sa Pilipinas halos kalahati nito o 1.1 milyon na mga kabatataan na may edad 15 hanggang 24 ang walang trabaho.
Paliwanag naman ng DOLE hindi kulang ang trabaho sa mga Pilipino kundi kailangan lang mai – angkop ang skills ng mga manggagawa sa demand ng industriya.
Nauna na ring sinabi ng kanyang Kabanalan Francisco na ang paggawa ay isang banal na gawain ng bawat tao na nagpapalago ng kanilang pagkatao.