Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, ipinagdiriwang ang ika-50 taong anibersaryo

SHARE THE TRUTH

 398 total views

Pormal na sinimulan ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng National Secretariat for Social Action and Peace/Caritas Philippines o ang sangay ng Simbahang Katolika na namamahala sa mga programa para sa mga mahihirap at mga naapektuhan ng kalamidad.

Kasabay ng 50-taon anibersaryo ng NASSA ay ginaganap din ang ika-38 National Social Action General Assembly (NASAGA) kung saan nagtitipon-tipon ang mga Social Action Directors ng iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas para pag-usapan ang mga patuloy na programa at pagkilos para sa mga mamamayang mahihirap, nasa malalayong lugar, naapektuhan ng kalamidad at nangangailangan ng suporta.

Ang pagdiriwang ay isinasagawa sa Archdiocese of Palo sa lalawigan ng Leyte kung saan tatlong taon na ang nakakalipas ay nakaranas ng matinding pinsala mula sa bagyong Yolanda.

Ayon kay NASSA/Caritas Philippines executive secretary Rev.Fr. Edu Gariguez, maituturing na biyaya ang selebrasyon ngayong taon dahil na rin sa halos limang dekada na pananatili ng Social Action sa Pilipinas dahilan kaya’t mas maraming delegado mula sa iba’t-ibang probinsya ang nagsidalo sa NASAGA na isinasagawa kada dalawang taon.

“Napakahalaga po ngayon ng ating general assembly dahil kasabay nito ay ipinagdiriwang din natin ang ika-50 taon ng NASSA kaya marami po ang kapiling natin ngayon aabot sa humigit kumulang 300 na mga kinatawan mula sa iba’t-ibang panig ng bansa,”pahayag ni Father Gariguez.

Naniniwala si Fr. Gariguez simboliko ang pagdiriwang sa Archdiocese of Palo dahil sa pinsala na iniwan dito ng Super Typhoon Yolanda na patuloy namang tinulungan ng Simbahan upang makabangon.

“Siyam na Diyosesis ang atin patuloy na tinulungan na naapektuhan ng bagyongg Yolanda at isa nga diyan ang Archdiocese of Palo kung saan napakarami ang naapektuhan sa totoo lang marami na din ang atin natulungan sa iba’t-ibang program intervention kagaya na lamang ng ecosystem, pabahay, livelihood program, dito lamang sa Palo nasa 11 parokya at mahigit 12 na libong pamilya ang atin natutugunan at patuloy na sinisikap na tulungan kasama ang gobyerno at iba pang NGO” pahayag ni Father Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa datos ng Caritas Philippines aabot na sa 1.8 milyong survivors ng bagyong Yolanda ang kanilang natulungan sa siyam na probinsiya sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,435 total views

 14,435 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,372 total views

 34,372 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,632 total views

 51,632 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,157 total views

 65,157 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,737 total views

 81,737 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,856 total views

 7,856 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 31,782 total views

 31,782 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 45,074 total views

 45,074 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top