Pakikipagkapwa sa panahon ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

 158 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, tatlong pulitiko na ang nagdeklara ng kanilang planong tumakbo para sa pagkapangulo ng bansa. Hindi bababa sa tatlo pang pulitiko ang inaasahang magdeklara. Ang ganitong sistemang nagpapahintulot ng maraming kandidato sa pinakamataas na posisyon sa ating pamahalaan ay nagdudulot ng labis na pagkakahati-hati habang papalapit ang eleksyon. Mas nakalulungkot na ang batayan ng pagkakahati-hati ay ang mga personalidad, hindi ang mga isinusulong na patakaran o mga prinsipyong pinaninindigan ng mga kumakandidato.

Matagal na nating alam na ganito ang pampulitikang kultura nating mga PIlipino. Mas naaakit tayo sa katangian ng mga personalidad. Hindi natin gaanong binibigyang-pansin ang kanilang mga paninindigan sa mga usaping panlipunan o ang kanilang track record. Dahil dito, mistulang nagkakampi-kampihan ang mga taong pareho ang mga minamanok laban sa ibang may ibang pinapaborang kandidato. Nagiging mahirap tuloy makipagdiyalogo at makahanap ng mapagkakasunduang mga prinsipyo o patakaran upang magkaisa sa mga susuportahang kandidato. Sa mga nakaraang pambansang eleksyon pagkatapos ni Cory Aquino, lahat ng mga nahalal na pangulo ay ibinoto lamang ng minorya, at hindi ng karamihan ng mga bumoto.

Dahil sa ganitong kalakaran, lalo pa tayong nasasanay sa pagkakahati-hati. Hindi tayo natututong makipagkaunawaan o makipagdiyalogo sa ibang hindi natin kapareho ng paniniwala.  Ang resulta ay ang pananatiling hati-hati ng ating mga pamayanan at ng ating bayan kung saan mas matingkad ang mga pinagtatalunan kaysa sa pinagkakasunduan o pinagkakaisahan.

Hinihikayat tayo ni Pope Francis na magtatag ng isang lipunang ang mga tao, kasama na ang kabataan, ay sanay sa diyalogo bilang paraan ng pakikitungo sa kanilang kapwa. Ayon sa kanya, ang ganitong uri ng pakikitungo at pakikipagkapwa ang tanging makapagtatayo ng isang payapa at makatarungang lipunan kung saan walang naisasantabi. Hindi mabuting masanay ang mga taong may tinitingnan silang mas mababa kaysa sa kanila ang pagkatao, halimbawa ang mga babae, mga katutubo, mga gumagamit ng droga, o iba ang relihiyon o kung anu-ano pang kategorya ng mga taong iba sa atin.

Ang kabukasang makinig at makipagdiyalogo ay isang ugaling makapagpapalaganap ng kapayapaan sa lipunan. Sa pagsisimula ng panahon ng kampanya at panghihikayat sa mga taong bumoto, mainam na sikapin nating malinang ang kabukasang ito. Mainam din sana kung handa tayong makinig sa pinahahalagahan ng bawat isa nang walang paghuhusga, at sa halip ay may tunay na pagnanais na maunawaan ang kausap. Bakit kaya ito ang mahalaga sa kanya?  Ano ang kalagayan niya sa buhay o naging karanasan kaya ganito ang kanyang paningin o paniniwala?  Anu-ano naman ang pagkakapareho ng kausap ko sa akin, sa aking mga pangarap at hangarin sa buhay? Mahahanap kaya namin sa aming pakikipag-usap ang aming mga pagkakapareho at hindi lamang ang aming pagkakaiba o hindi pinagkakasunduan?

Sa Juan 4:5-29, matutunghayan nating nang gumawi si Hesus sa bayan ng Samaria, Siya ang nagbukas ng pakikipag-usap sa isang babaeng kumukuha ng tubig sa balon. Sa kinagisnan ng mga Hudyo sa panahong iyon, hindi sila nakikihalubilo sa mga Samaritano dahil iba ang kanilang paniniwala ukol sa Panginoon. Alam nating sa kuwentong ito, humingi si Hesus ng tubig sa babae na para bang Siya ang may kailangan mula sa babae. Pagkatapos niyang simulan ang pakikipag-usap, nauwi ang usapan sa personal na buhay ng babae.  Imbis na paghuhusga, ang ipinakita ni Hesus sa kanyang kausap ay paggalang, pagpapakumbaba, at pang-unawa, at nagdulot ito ng pagbabagong panloob sa babaeng Samaritano.

Mga Kapanalig, ang tunay na pakikipagkapwa ay nagdudulot ng pagbabago tungo sa katotohanan at sa kapayapaan kung ito ay ginagawa nang may paggalang at pagmamahal sa kapwa. Linangin natin ito habang nagninilay kung sino ang ilalagay natin sa balota sa paparating na eleksyon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 18,611 total views

 18,611 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 24,029 total views

 24,029 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 30,736 total views

 30,736 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 45,533 total views

 45,533 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 51,689 total views

 51,689 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 18,612 total views

 18,612 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 24,030 total views

 24,030 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 30,737 total views

 30,737 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 45,534 total views

 45,534 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 51,690 total views

 51,690 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 39,107 total views

 39,107 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 49,691 total views

 49,691 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 57,908 total views

 57,908 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 42,141 total views

 42,141 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 48,117 total views

 48,117 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 51,210 total views

 51,210 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 40,915 total views

 40,915 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 41,803 total views

 41,803 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 57,106 total views

 57,106 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 69,515 total views

 69,515 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top