Caritas Philippines, aagapay sa mga nasalantang Diyosesis ng bagyong Maring.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Aalalay ang Caritas Philippines sa mga Diyosesis na naapektuhan ng bagyong Maring partikular na sa mga lalawigan sa Northern Luzon.

Ito ang inihayag ng NASSA-Caritas Philippines batay sa kanilang inilabas na ikalawang situationer report kung saan 3 Diyosesis sa Luzon ang nagpahayag ng mataas na bilang ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at pagkasira ng kanilang mga pananim.

Ilan dito ay ang Archdiocese of Nueva Segovia sa Ilocos Sur, Diocese of Baguio sa Benguet at ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan.

Patuloy naman na inaantabayan ang mga datos mula sa mga nabanggit na lugar habang nagsasagawa pa ng rapid assessment ang Caritas La Union sa Diocese of San Fernando, Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, Archdiocese of Tuguegarao sa Cagayan at ang Diocese ng Urdaneta sa Pangasinan.

Aminado ang ilang mga kinatawan ng Social Action Network ng Simbahang katolika na nahihirapan ang mga Parokya sa pagtukoy sa pinsala ng bagyo dahil na rin sa mga nasirang daanan at kawalan ng elektrisidad sa ilang mga bayan.

Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa Archdiocese of Nueva Segovia, inihayag ni Social Action Director Rev. Fr. Danilo Martinez ang kanilang pag-apela ng tulong para sa mga naapektuhan residente.

https://www.veritas846.ph/simbahan-sa-archdiocese-of-nueva-segovia-binuksan-sa-mga-evacuees-ng-bagyong-maring/

Nagpapasalamat naman si La Union Social Action Director Rev. Fr. Gary Patiag sa mga tulong na nais ipa-abot sa kanilang Diyosesis ngunit aminado ito na mas nangangailangan ngayon ang lalawigan na tulad ng Ilocos Sur at Cagayan.

“Salamat sa mga gustong tumulong pero siguro mas maganda na maipaabot na ito sa mga mas nangangailangan tulad doon sa Ilocos Sur at sa Tuguegarao” pahayag ni Fr. Patiag.

Inihayag ni Puerto Prinsesa Social Action Director Rev. Fr. Jasper Lahan na kasalukuyan na silang nagsasagawa ng relief operation para sa mga residente na naapektuhan ng pagbaha.

“Actually ongoing po ngayon [ang] relief operation namin nasa 170 families pa lang po yun mapupuntahan natin yun pa lang ang kaya ng ating budget. Ang initiative at effort po ay nasa Parish Level.” mensahe ni Fr. Lahan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Caritas Philippines sa iba pang mga organisasyon ng Simbahan na posibleng tumugon sa mga apektadong Parokya partikular na sa Caritas Internationalis, ang head quarters ng mga Caritas Organization sa buong mundo at siyang pinamumunuan ng kanyang kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRM umabot sa 5,673 indibidwal ang nagsilikas dahil sa bagyong Maring habang umaabot sa halos 500 milyong piso ang halaga ng pinsala nito sa sektor ng agrikultura.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,339 total reads

 2,339 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,302 total reads

 4,302 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,500 total reads

 12,500 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 49,878 total reads

 49,878 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,149 total reads

 81,149 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,900 total reads

 157,900 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,543 total reads

 251,543 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,198 total reads

 100,198 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top