Diocese of Cubao at Novaliches at Quezon City LGU, nagsanib puwersa para sa kapakanan ng OFWs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 817 total reads

Mas paiigtingin ng simbahan at lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagtutulungan para sa mga Overseas Filipino Workers.

Batid ni Mayor Joy Belmonte ang sakripisyo at hirap na pinagdaanan ng mga OFW sa ibayong dagat lalo na ang mga pamilyang naiwan sa bansa.

Dahil dito, itinatag ng lungsod ang Migrants Resource Center na pangunahing tanggapang mangangasiwa sa mga OFW gayundin ang pangangailangan ng mga pamilyang naiwan.

“Pinaka objective ng Migrants Resource Center office na ito is to provide services that we believe are needed by the families of migrant workers as well as our migrant workers returned,” bahagi ng pahayag ni Belmonte.

Nitong October 15, 2021 nilagdaan ng QC government, Dioccese of Cubao Migrants Ministry at Pastoral Care for Migrant Families in Novaliches (PAMINOVA) ang Memorandum of Partnership Agreement sa pagpapalakas ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng nasabing sektor.

Ayon kay PAMINOVA Director Fr. Leonides Laguilles, ito na ang pagkakataong matugunan ang sektor ng mga migrante sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at simbahan.

“I hope this can be a productive alliance the city government and the local church of the Diocese of Novaliches and Cubao; its a very big welcome and very iconic event that happened today,” ani Fr. Laguilles.

Tiniyak ng alkalde na palalawakin pa ang pagtugon sa pangangailangan ng mga OFW lalo’t lumabas sa pag-aaral na ilan sa nalulong sa ipinagbabawal na gamot at naging out of school youth ang mga anak ng OFW dahil sa kakulangan ng paggabay ng magulang.

Umaasa si Belmonte na mas lumago pa ang programa sa pakikipag-ugnayan ng Diocese of Cubao at Novaliches migrants ministries na nagsusulong din ng kaparehong hangaring pangalagaan ang mga OFW na itinuturing na bayani sa makabagong henerasyon.

“I think working together mas marami po tayong maisasakatuparan mga programa at matutugunan na mga suliranin ng ating mga OFW,” ani Belmonte.
Batay sa tala ng pamahalaan mahigit sampung milyon ang bilang ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat upang tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Naniniwala si Belmonte na kung mabibigyang oportunidad ang bawat Filipino sa bansa maiwasan na ang pagkahiwalay ng mga pamilya at matutukan ng mga magulang ang pagkalinga sa kanilang mga anak kaya’t isa ito sa mga tinututukang programa ng Quezon City sa pangunguna ng Public
Employment Service Office.

“The government should be focus on developing our own country so that Filipinos need not leave their homeland in order to provide for the basic needs of their family,” giit ng alkalde.

Ginanap ang signing of agreement ng magkabilang panig sa Quezon City Hall kung saan ito rin ay bahagi ng pagdiriwang sa ika – 82 anibersaryo ng pagkakatatag ng lunsod at National Migrants and Seafarers Day noong Setyembre.

Bukod kay Belmonte at Fr. Laguilles, dumalo rin sa pagtitipon sina Fr. Fernando Santos, SVD, Director ng DCCM at Rogelio Reyes, PESO Manager ng lunsod.

Una nang tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga OFW lalo na sa pagbibigay kabuhayan ng mga pamilyang naiwan at edukasyon ng kanilang mga anak.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,611 total reads

 6,611 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 18,865 total reads

 18,865 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,481 total reads

 123,481 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 164,039 total reads

 164,039 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,493 total reads

 184,493 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,543 total reads

 232,543 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top