Mananampalataya, pakikinggan ng mga lider ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 859 total reads

Tiniyak ng mga lider ng simbahan sa Pilipinas ang pakikinig sa mananampalataya lalo na ang maliliit na sektor na kadalasang naisasantabi ng lipunan.

Naniniwala si Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng pakikinig ay maibahagi sa pamayanan ng misyon ng Panginoon.

“Let us create opportunities for listening and dialogue on the local level through this Synod. Pope Francis is calling the Church to rediscover its deeply synodal nature. This rediscovery of the synodal roots of the Church will involve a process of humbly learning together how God is calling us to be as the Church in the third millenium,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Sa kasaysayan hindi na bago sa arkidiyosesis ang local synod lalo’t noong 1582 ginawa ang Synod of Manila sa pangunguna ng Dominikanong si Fray Domingo de Salazar, ang unang talagang obispo ng Manila kung saan pinagtuunan ng pansin ang ebanghelisasyon at paninindigan sa karapatang pantao.

Habang 1991 naman ng ginanap ang Second Plenary Council of the Philippines na sinundan pa ng mga kahalintulad na gawain.

Samantala, ayon naman kay Zamboanga Apostolic Administrator Bishop Moises Cuevas ang kahandaan at pagiging bukas ng mamamayan ang tunay na daan tungo sa matagumpay ng paglalakbay ng simbahan.

Sinabi ng obispo na ang pakikipagdiyalogo ng mamamayan ang susi sa maunlad at mapayapang lipunan na may paggalang sa bawat isa.

“The best ability to Synodality is availability. Everyone must be available to collaborate, to be open, to listen and to cooperate. It’s availability in dialogue,” ani Bishop Cuevas.

Saad naman ni Catarman Bishop Emmanuel Trance na ang pre-synodal process ay simula ng pagkakaisa ng mga munting pamayanan at pagkakataong mapakinggan ang kanilang hinaing upang maipaabot sa Santo Papa.

“This synod will become the encounter and beginning of unifying our local church and we should listen not only in our ears but also in our hearts, listening in this synodal process is to listen to the marginalized even to the non-Christian community,” giit ni Bishop Trance.

Tulad ng ibang mga diyosesis hindi na bago sa Catarman ang pagtitipon sapagkat 1996 nang ginanap ang kauna-unahang Pastoral Assembly na isinulong ni Bishop Angel Hobayan na sinundan noong 2005 sa unang taong panunungkulan ni Bishop Trance.

Umaasa ang mga punong pastol ng simbahan sa Pilipinas sa kooperasyon ng mananampalataya upang makapagbalangkas ng mga hakbang na isusumite sa Vatican sa Abril 2022 bilang paghahanda sa ika – 16 na Synod of Bishops sa October 2023 na may temang ‘For a Synodal Church: communion, participation and mission.’

COMELEC, Tatalima sa Batas

 11,543 total reads

 11,543 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 28,066 total reads

 28,066 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 131,164 total reads

 131,164 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 171,722 total reads

 171,722 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 192,176 total reads

 192,176 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 239,916 total reads

 239,916 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top