Unahin ang paglilingkod sa taumbayan hindi ang sarili, hamon ni Cardinal Tagle sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 828 total reads

Nanawagan ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, sa lahat na sama-samang magtulugan upang ipalaganap ang kaharian ni Kristo sa sanlibutan.

Sa pagninilay ng Cardinal sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino ay binigyang diin nito na mahalagang muling buhayin ang diwa ng pag-aalay ng sariling buhay sa kapwa sa pamamagitan ng paglilingkod para sa ikabubuti ng mas nakararami at hindi para sa pansariling interes o kapakinabangan.

“Magtulong tulong po tayo ipalaganap ang kaharian ni Hesus, buhayin ang diwa ng pagiging buhay para sa kapwa na walang hangad kundi makapaglingkod at maidulot ang mabuti para sa iba, walang hangad na maging importante ako, walang hangad na ako ay makilala, walang hangad na marami akong mauutusan at matatapakan,” pagninilay ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Partikular na pinuna ni Cardinal Tagle ang pag-aagawan sa posisyon ng mga nagnanais na maging opisyal ng bayan na tanging posisyon at kapangyarihan lamang ang tunay na ninanais at hindi ang paglilingkod sa taumbayan.

Iginiit ni Cardinal Tagle na higit na kinakailangan sa ngayon ng daigdig ang paraan ng pamumuno ni Hesus na handang i-alay ang kanyang sariling buhay para sa kapakanan at kabutihan ng taumbayan.

“We badly need Jesus’ brand of kingdom we see how the world, how human beings, how creation are being destroyed by this crazy search for being seated at the right hand, being seated at the left hand nag-aagawan sa posisyon, hindi naman nag-aagawan sa paglilingkod and when they get seated at the right at the left of whoever they lorded over others, they make their importance felt,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Pagbabahagi ng Cardinal na mahalaga ang patuloy na pananalangin upang tuwinang hingin ang paggabay ng Panginoon sa lahat ng aspekto o bahagi ng paraan ng pamumuhay ng bawat isa.

“Patuloy pong manalangin at sa pananalangin linisin ang ating mga puso para ang hihingin natin ay ang naaayon sa paghahari ni Kristo,” paalala ni Cardinal Tagle.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 12,710 total reads

 12,710 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 30,365 total reads

 30,365 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 132,985 total reads

 132,985 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 173,543 total reads

 173,543 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 193,997 total reads

 193,997 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 241,664 total reads

 241,664 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 12,711 total reads

 12,711 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top