Paglingkuran ang sambayanang Pilipino, hamon ng Obispo sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Pinaalalahanan ni Iligan Bishop Jose Rapadas III ang mga kandidato sa nalalapit na 2022 national and local elections na isabuhay ang tagubilin ni Hesus na maglingkod para sa kapakinabangan ng nakararami.

Ito ang pagninilay ng Obispo batay sa Ebanghelyo ni San Marcos kabanata 10 talata 35 hanggang 45 kung saan tinalakay dito na kaakibat ng pagiging pinuno ay ang paglilingkod sa kabutihan ng nakararami.

Sinasaad sa Mabuting Balita ang pagnanais ng tao na mailuklok sa kapangyarihan subalit karamihan ay umaabuso at hindi naglilingkod para sa kanyang kapwa kundi para sa sariling interes.

Umaasa si Bishop Rapadas na pagnilayan ng bawat kandidato ang mensahe ni Hesus at maging batayan sa paglilingkod sa bayan.

“Malapit na ang eleksyon, may mga kakilala akong kumandidato; mainam na pagnilayan nila ang ebanghelyo na nagpapaalala sa atin sa mga turo ni Hesus; sana maglingkod sila hindi sa personal na kapurihan, hindi sa kapangyarihan sa public position kundi para sa paglilingkod at pagtataguyod sa kabutihan ng maraming mamamayan,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Rapadas.

Matatandaang patuloy ang paalala ng Simbahan sa mga lider ng bayan na isulong ang pagkakaisa, katarungan at isaalang-alang ang ikauunlad ng nakararami sa halip na pagtuunan ang sariling interes.

Bukod pa rito ang panawagan ng Simbahan sa 63 milyong botante na maging matalino sa pagpili ng mga pinuno ng lipunan batay sa katangiang maka-Diyos, makatao, makabayan at may pagpapahalaga sa kalikasang handog ng Diyos sa sanlibutan.

Iginiit ni Bishop Rapadas na ang mga lider na nagpapahalaga sa kapakanan ng nasasakupan ay kinalulugdan ng Panginoon.

“Sa pagpapahalaga sa kabutihan ng mamamayan, kalugod-lugod tayo sa paningin ng Panginoon at higit pang pagpapalain ang inyong paglilingkod,” dagdag ng Obispo.

Samantala, nanawagan pa rin ang iba’t ibang grupo kabilang na ang Simbahan sa mga hindi pa nakapagparehistro na magtungo sa pinamalapit na tanggapan ng COMELEC upang aktibong makilahok sa halalan sa susunod na taon at makapaghalal ng mabuting lider na mamahala sa bansa sa susunod na anim na taon.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 12,705 total reads

 12,705 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 30,361 total reads

 30,361 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 132,981 total reads

 132,981 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 173,539 total reads

 173,539 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 193,993 total reads

 193,993 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 241,660 total reads

 241,660 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top