Sanlakbay drug rehab graduates, tumanggap ng bisikletang pangkabuhayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Huwag magsawang lumapit at humingi ng tulong sa Panginoon upang makaahon sa buhay ng malulong sa masamang bisyo.

Ito ang mensahe ni Lucy Leocaldia,55-taong gulang at isa sa mga nabigyan ng bisikleta na magagamit pangkabuhayan sa paggunita ng ika-limang taong anibersaryo ng SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay.

Matapos ang misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo, inilunsad ang Ceremonial Bike-Giving sa may tatlumpung Sanlakbay Rehabilitation Graduates.

Labis ang pasasalamat ni Leocaldia sa natanggap na bisekleta na malaking tulong sa kaniyang pang araw-araw na pagpasok sa trabaho at ng kaniyang anak.

Nagpasalamat rin si Miracle Bernarte, 37, kabilang sa mga Sanlakbay graduate sa biyayang natanggap mula sa programa.

Ayon kay Bernarte, magagamit niya ang bisekleta sa delivery services ng kaniyang ‘Soap Business’ na natutunan mula sa programa sa ilalim ng Sanlakbay Program.

Ayon sa 2021 Report ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) sa kabila ng sularanin ng pandemya sa buong mundo ay patuloy parin ang laganap ang ilegal na droga na nakakaapekto sa sektor ng ekonomiya at pagkakaroon ng maayos na trabaho .

Ayon pa sa UNODC nanatili ang Crystal Methamphetamine o mas kilala bilang ‘shabu’ ang tinatangkilik ng mga nalulong sa bisyo sa Pilipinas.

Ang Snlakbay rehabilitation program ay inisyatibo ng Arkidiyosesis ng Maynila katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaaan at pribadong institusyon na nagsimula limang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Fr.Roberto Dela Cruz- priest-in-charge ng Restorative Justice Ministry ng arkidiyosesis, umaabot na sa higit 1,400 katao na nalulong sa illegal na droga ang natulungan buhat ng ilunsad ng arkidiyosesis ang programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 31,165 total reads

 31,165 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 81,530 total reads

 81,530 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 214,492 total reads

 214,492 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 299,875 total reads

 299,875 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 361,649 total reads

 361,649 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top