Kabutihan ng mamamayan, hangarin ng simbahan-Bishop Gaa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 832 total reads

Hangarin ng simbahan ang pagsusulong sa ‘kabutihan para sa mas nakakarami’.

Ito ang dahilan ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa kung bakit nakikibahagi ang simbahan sa proseso ng botohan o ang pagpili sa mga susunod na pinuno ng bayan para sa nalalapit na national and Local elections sa Mayo 2022.

Paliwanag ng obispo, kailangang maging masigasig sa pagbibigay ng gabay sa mga botante lalo’t ang kabutihan din ng mamamayan ang pangunahing nais pangalagaan ng simbahan.

“Hindi po natin ipino-promote ang tao. Ang ating ipino-promote ay ang tamang proseso para makapili ang tao ng nararapat na kandidato,” ayon sa pahayag ni Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Tiniyak naman ng obispo na hindi kumikiling sa pulitiko ang simbahan kundi pagbibigay lamang ng mga panuntunan sa katangian na dapat taglayin ng isang pinuno ng bayan.

Dagdag pa ni Bishop Gaa, “Ayaw din ng simbahan na mag-endorso ng kahit na sino kasi kailangang akuin ng tao yung responsibilidad nila at ang choice nila sa kanilang binoto.”

Bilang bahagi ng paghahanda, inilunsad din ng iba’t ibang sangay at institusyon ng simbahan ang ‘election campaign’ para sa tamang pagsusuri ng mga kandidato.

Kasama na ang ‘One Godly Vote’ ng Radio Veritas, ‘Prayer Power’ ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at Halalang Marangal ng Caritas Philippines-ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 228,183 total reads

 228,183 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 259,914 total reads

 259,914 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,738 total reads

 361,738 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 402,301 total reads

 402,301 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,644 total reads

 413,644 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top