Ibahagi si Hesus sa kapwa, obligasyon ng bawat binyagan-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total views

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na bilang binyagan bawat isa ay isinugo upang ibahagi si Hesus.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa kapistahan ni San Judas Tadeo sa misang ginanap sa National Shrine of St. Jude Thaddeus sa Manila.

Ayon kay Cardinal Advincula tulad ng mga apostol lahat ng binyagang kristiyano ay inaanyayahang maging misyonerong naghahatid ng mabuting balita sa lipunan.

“My dear brothers and sisters, we have much to learn from St. Jude Thaddeus. Katulad niya, tayo ay tinatawag ni Hesus na maging alagad; ang bawat binyagan ay alagad ni Hesus; at bilang mga alagad tayo din ay isinusugo upang ipahayag si Hesus,” bahagi ng homilya ni Cardinal Advincula.

Paliwanag pa ng cardinal na ang paghahayag kay Hesus sa kapwa ay magagawa sa pamamagitan ng mga gawain sa araw-araw tulad ng pagsusumikap na maging mabuti, maunawain, mapagpatawad, mapagbigay at higit sa lahat ang mapagmahal.

“In simple and ordinary ways, we can be apostle of Jesus,” ani Cardinal Advincula.
Binigyang diin ng arsobispo na maisasakatuparan lamang ito kung ang bawat isa ay nakaugat sa pag-ibig ni Kristo at may malalim na ugnayan sa Panginoon.

Sinabi nitong nakababahala ang paghahayag ng salita ng Diyos kung hindi nakaugat kay Kristo ang tao sapagkat maaaring kuro-kuro at sariling opinyon lamang ang maibabahagi sa kapwa.

“Ang tunay na alagad ay ipinahahayag si Hesus dahil mayroon siyang malalim na ugnayan sa Panginoon,” dagdag ng Cardinal.

Sa banal na misa, muling hiniling ni Cardinal Advincula sa mamamayan ang sama-samang pagluhog sa pamamagitan ni San Judas Tadeo na matapos na ang krisis pangkalusugan bilang ang santo ay tinaguriang patron ng mga imposibleng bagay.

Pinasalamatan ni Cardinal Advincula si Fr. Lino Nicasio, SVD and rector at parish priest ng pambansang dambana at ang Society of the Divine Word congregation na nangangasiwa sa lugar.

Bukod sa nasasakupang mananampalataya, at SVD family dumalo rin sa pagtitipon si Sri Lankan Ambassador to the Philippines Shobini Gunasekera at mga kasamahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 73,579 total views

 73,579 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 103,802 total views

 103,802 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 130,452 total views

 130,452 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 225,425 total views

 225,425 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 241,660 total views

 241,660 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top