‘Local Synod’, mahalagang pagbubuklod ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total views

Hindi pangkaraniwan kundi isang mahalagang pagbubuklod ng mga lokal na simbahan ang ‘sinodo’ ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ito ang pagninilay ng cardinal sa misang ginanap sa San Carlos Seminary sa paggunita ng kapistahan ni St. Charles Borromeo.

Ayon pa kay Cardinal Advincula, makabuluhan ang isinusulong ng Kanyang Kabanalan Francisco na Synod of Bishops on Synodality kung saan hinimok ang mananampalataya na maging bahagi sa pagpupulong.

“A synod is not simply a meeting or a gathering it is about walking together; San Carlos in his pastoral ministry showed us that synodality is walking together and acting together,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Iginiit ni Cardinal Advincula na bawat isa ay bahagi sa pagpupulong bilang iisang katawan ni Kristo ang mananampalataya na bumubuo ng simbahan.

Kinilala si San Carlos Borromeo sa malaking ambag ng ‘reformation’ng simbahan makaraan ang Council of Trent kung saan isinusulong ang pagtatatag ng mga seminaryo para sa systematic formation at pagsasanay ng mga magiging pastol ng simbahan.

Ginunita rin ni Cardinal Advincula na taong 1702 nang itatag ng Hari ng Espanya ang San Carlos Seminary sa Manila bilang ‘conciliar seminary’.

“San Carlos Seminary is a product of Council of Trent, is indeed a fruit of synodality; May every Karlista lead and live the synodal way,” ani ng Cardinal.

Ang San Carlos Seminary ang kauna-unahang diocesan seminary sa bansa na naghubog ng mga paring Filipino.

Muling tiniyak ni Cardinal Advincula na bilang punong pastol ng arkidiyosesis ay nakahandan itong makinig sa mananampalataya upang maging mabunga ang paglalakbay ng arkidiyosesis bilang simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 71,508 total views

 71,508 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 93,618 total views

 93,618 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 169,000 total views

 169,000 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 167,732 total views

 167,732 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top