2-libong drug addict, nakapagbagong buhay sa ilalim ng SUGOD program ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 871 total reads

Naniniwala ang Archdiocesan Commission on the Laity ng Archdiocese of Cebu na mahalagang tulungan ang mga nalulong sa bisyo na makapagbagong buhay.

Ayon kay Fe Barino ang chairperson ng komisyon ito ang layunin ng Surrender to God Recovery and Renewal Program o SuGOD ng arkidiyosesis na itinatag noong Agosto 2016 bilang pakikiisa ng simbahan sa malawakang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Barino na ang pagkalinga ng lipunan sa mga naligaw ng landas ay makatutulong sa mas mabilis na pagbabago ng mga sumailalim sa programa.

“The more that we involved them, to make them feel that they are part of us, the more that they will be encourage to help themselves na makabalik sa tamang landas,” pahayag ni Barino sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng opisyal na marami ang dumulog sa drug rehab program ng arkidiyosesis lalo’t ito’y libreng ipinagkakaloob sa tulong ng iba’t ibang sektor na sumuporta sa programa.

Makalipas ang limang taon ng programa mahigit na sa dalawang libong indibidwal ang natulungan na makabalik sa lipunan at pamilya.

Bukod sa spiritual nourishment ng mga drug surrenderers sumailalim din ito sa skills and livelihood training sa pamamagitan ng Durus Academy Program bilang konkretong hakbang sa tuloy-tuloy na pagbabago.

“Ini-improve namin ang SuGod program, binigyan namin sila ng skills training partikular sa constructions skills; as part of their recovery mayroon na silang trabaho,” ani Barino.
Malugod na ibinahagi ni Barino na humigit kumulang 100 drug surrenders na nagtapos sa Durus Academy Program ang sub-contractor ng isang kilalang land developer sa Cebu.

Aniya, mas mabilis nakatapos ng proyektong bahay ang mula sa programa kung saan pulido at dekalidad ang output ng grupo.

Personal na pinamahalaan ni Barino ang drug rehab program bilang bahagi ng kanyang adbokasiya ng tumulong sa nangangailangan sa lipunan at pagsasabuhay na rin sa misyon bilang kristiyano.

“I feel so blessed, this is a divine intervention, the gift of Christianity that God has given us especially during this time that we are celebrating 500YoC,” saad pa ni Barino.
Samantala, sinabi pa ni Barino na makatutulong din ang drug rehab program sa isinasagawang pre-synodal consultations ng simbahan sapagkat maraming kwento ng karanasan ang maibabahagi ng mga nalulong sa bisyo.

Apela nito sa mamamayan na ipakita ang habag at awa sa mga naligaw ng landas sa halip na kundenahin sapagkat kailangan nila ang tulong ng lipunan upang makapagbagong buhay.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,586 total reads

 6,586 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 18,836 total reads

 18,836 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,455 total reads

 123,455 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 164,013 total reads

 164,013 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,467 total reads

 184,467 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,519 total reads

 232,519 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top