Sa lungsod ng Maynila, puwedeng hindi na magsuot ng face shield

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 452 total reads

Hindi na kinakailangan ang pagsusuot ng face shield sa Lungsod ng Maynila maliban na lamang sa mga ospital at iba pang medical facilities sa syudad mula ngayong ika-8 ng Nobyembre, 2021.

Ito ang nilalaman ng nilagdaang Executive Order No. 42 ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagdedeklara ng ‘non-mandatory wearing of face shield’ sa lungsod ng Maynila.

Nasasaad sa nasabing kautusan na tanging sa mga ospital, medical clinics at iba pang pasilidad pangkalusugan na lamang kinakailangan na magsuot ng face shield.

“By the powers vested in me by law do hereby order that, pending the review of the Sangguniang Panlungsod of the city ordinance on the matter, the wearing of face shields in the City of Manila is non-mandatory except in hospital setting, medical clinics and other medical facilities which shall remain to be mandatory,” pahayag ni mayor Isko.

Ang naturang desisyon ng alkalde ay kasunod na rin ng pagbababa ng Inter-Agency Task Force for Managing Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa Level 2 Alert Status sa Metro Manila.

Bukod dito tinukoy rin ni Moreno ang mga pahayag ni Interior Secretary Eduardo Ano na pagpabor ng karamihan sa mga miyembro ng IATF sa pag-aalis ng pagsusuot ng face shield sa mga ipinatutupad na minimum health protocols.

Una ng iginiit ng alkalde ng Maynila na sa halip na mga face shield ay mas dapat na paglaanan ng pondo ng bayan ang pagbili ng mga gamot tulad ng Remdesivir at Tocilizumab na mas makatutulong para sa mga pasyente.

“Kung bumili ka ng 1,000 na Tocilizumab at P25,000 that is only P25 Million. Kapag bumili ka ng 10,000 na Tocilizumab at Remdisivir wala ka pang 200 Million na yakap mo pa buong Pilipinas. So ako payo ko talaga sa kanila wag face shield ang bilhin ninyo,” Ang bahagi ng panawaga ni Moreno.

Samantala patuloy naman ang panawagan ng mga opisyal ng Simbahan sa publiko upang sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin ng mga eksperto at mga opisyal ng pamahalaan kaugnay sa mga paraan ng pag-iingat mula sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 42,812 total reads

 42,812 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 79,601 total reads

 79,601 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 113,060 total reads

 113,060 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 164,493 total reads

 164,493 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 226,124 total reads

 226,124 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 8,615 total reads

 8,615 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top