Administrasyong Duterte, hinamong tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Yolanda

SHARE THE TRUTH

 474 total views

Hinamon ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pamahalaan na gampanan ang kanilang mga tungkulin para sa bayan lalo’t higit sa mga lubos na naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda, walong taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Bishop Bagafaro, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, karamihan sa mga biktima ng Bagyong Yolanda ang patuloy pa ring naghihirap at umaasa ng tulong mula sa pamahalaan na nangakong tutulungan ang mga ito.

“Sana naman ay gampanan nila ang kanilang mga pangakong binigay at ipakita nila ang serbisyo na karapat-dapat at ipakita nila ang kanilang katapatan [sa] mga pangakong binitawan nila na maiahon ang ating mga kababayan sa mga isla at lugar na kung saan ay naging biktima ng Typhoon Yolanda,” bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Samantala, kinilala naman ni Bishop Bagaforo ang iba’t ibang sektor at indibidwal na namahagi ng tulong at nag-alay ng kanilang mga buhay upang higit na matulungan ang mga kababayang patuloy na naghihirap dulot ng naganap na sakuna.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo na patunay lamang ito na kayang gampanan at harapin ng lahat ang anumang hamon sa buhay basta’t mayroong pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa.

“Kinikilala natin ang kanilang mga heroic virtues ang ating mga bagong bayani na ipinakita nila ang kanilang self-sacrifices at tsaka yung kanilang selfless interest na makatulong sa ating kapwa,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Nobyembre 8, 2013 nang manalasa ang Super Typhoon Yolanda o Typhoon Haiyan na batay sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang unang Super Typhoon category at itinuturing na pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa at tumama sa Eastern Visayas Region kung saan umabot sa mahigit-6,000-katao ang naitalang nasawi.

Ito rin ang dahilan ng personal na pagbisita sa Pilipinas ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Enero 2015 upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag at awa ng Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,109 total views

 21,109 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,522 total views

 38,522 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,166 total views

 53,166 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,025 total views

 67,025 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,160 total views

 80,160 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Scroll to Top