Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa lungsod ng Maynila, puwedeng hindi na magsuot ng face shield

SHARE THE TRUTH

 325 total views

Hindi na kinakailangan ang pagsusuot ng face shield sa Lungsod ng Maynila maliban na lamang sa mga ospital at iba pang medical facilities sa syudad mula ngayong ika-8 ng Nobyembre, 2021.

Ito ang nilalaman ng nilagdaang Executive Order No. 42 ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagdedeklara ng ‘non-mandatory wearing of face shield’ sa lungsod ng Maynila.

Nasasaad sa nasabing kautusan na tanging sa mga ospital, medical clinics at iba pang pasilidad pangkalusugan na lamang kinakailangan na magsuot ng face shield.

“By the powers vested in me by law do hereby order that, pending the review of the Sangguniang Panlungsod of the city ordinance on the matter, the wearing of face shields in the City of Manila is non-mandatory except in hospital setting, medical clinics and other medical facilities which shall remain to be mandatory,” pahayag ni mayor Isko.

Ang naturang desisyon ng alkalde ay kasunod na rin ng pagbababa ng Inter-Agency Task Force for Managing Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa Level 2 Alert Status sa Metro Manila.

Bukod dito tinukoy rin ni Moreno ang mga pahayag ni Interior Secretary Eduardo Ano na pagpabor ng karamihan sa mga miyembro ng IATF sa pag-aalis ng pagsusuot ng face shield sa mga ipinatutupad na minimum health protocols.

Una ng iginiit ng alkalde ng Maynila na sa halip na mga face shield ay mas dapat na paglaanan ng pondo ng bayan ang pagbili ng mga gamot tulad ng Remdesivir at Tocilizumab na mas makatutulong para sa mga pasyente.

“Kung bumili ka ng 1,000 na Tocilizumab at P25,000 that is only P25 Million. Kapag bumili ka ng 10,000 na Tocilizumab at Remdisivir wala ka pang 200 Million na yakap mo pa buong Pilipinas. So ako payo ko talaga sa kanila wag face shield ang bilhin ninyo,” Ang bahagi ng panawaga ni Moreno.

Samantala patuloy naman ang panawagan ng mga opisyal ng Simbahan sa publiko upang sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin ng mga eksperto at mga opisyal ng pamahalaan kaugnay sa mga paraan ng pag-iingat mula sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 45,641 total views

 45,641 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 77,636 total views

 77,636 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,428 total views

 122,428 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 145,616 total views

 145,616 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,015 total views

 161,015 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 58,015 total views

 58,015 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 35,749 total views

 35,749 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 42,688 total views

 42,688 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 52,143 total views

 52,143 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top