Mataas na inflation rate at presyo ng mga produktong petrolyo, ikinababahala ng IBON foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 717 total reads

Nananatiling suliranin sa Pilipinas ang mataas na inflation rate.

Ito ang tugon ni IBON FOUNDATION Executive Director Sonny Africa sa pagtatala ng 4.6% inflation rate para sa buwan ng Oktubre kumpara sa 4.8% na naitala noong Setyembre 2021/

Ayon kay Africa, ang mga ordinaryong pamilyang Pilipino ay labis na naapektuhan ng inflation rate at mataas na presyo ng krudo na dahilan ng mataas na presyo ng mga bilihin.

“Tatlo sa apat na pamilyang Pilipino, wala na silang ipon, ibig sabihin isang kahig isang tuka, kung wala kang makain kung wala kang trabaho, wala kang matutuka ikalawang problema yon, ikatlo- pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay tinutulak na pagtaas na presyo ng bilihin, maiipit talaga dito yung ordinaryong pamilyang Pilipino, wala ka ng pambili dahil wala kang trabaho, wala ka ng ipon mataas pa yung presyo ng bilihin, nakakabahala siya,” pahayag ni Africa sa Radio Veritas.

Iminungkahi ni Africa ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mamamayang labis ng naapektuhan ng pandemya hindi lamang sa panahon ng pag-papairal ng mga pinakamahihigpit na panuntunan ng lockdowns.

Sinabi ni Africa na ang hakbang ay upang mapalakas ang sektor ng kalakalan sa bansa kung saan mapapalakas din ang produksyon ng ibat-ibang Agricultural-products at matutulungan ang mga manggagawang kabilang sa sektor ng agrikultura.

“Yung magdagdag ng ayuda bigyan ng purchasing power ang ordinaryong pamilya, actually udyok yan sa produksyon kasi kung may pambili yung pamilya yung ang magbibigay ng bilihan ng merkado para sa agricultural products yun ang mag-uudyok doon sa production ng mga magsasaka’t mangingisda so kumbaga may long-term na pakinabang din yan yung ayuda bilang pagpapasigla ng agrikultura, pwede namang gawin yan kung gugustuhin ng gobyerno at magagawa naman yan,” ani Africa.

Ayon pa kay Africa, suliranin nadin para sa mga magsasaka at mangingisda ng bansa ang mahigit sampung linggong magkakasunod na oil price hike dahil apektado narin nito ang kanilang mga produksyon ng pagkain ng bansa.

Apela din ng opisyal ng IBON FOUNDATION ang pagkakaroon ng suporta at karagdagang pondong ilalaan upang matugunan ang mga suliranin na kinakaharap ng lokal na Agricultural Sector sa halip na unahin ang pag-aangkat ng bigas at iba pang produktong pang-agrikultura na mula sa ibang bansa.

“I think 3% na lang ng budget ngayon ang nasa agrikultura sa 2022 suppose budget parang tatlo’t kalahating porsyento lamang on average ang nakaraang average from 2017 hanggang sa 2021 Kaya ang ibig-sabihin ng walang budget- kung walang budget walang suporta sa mga magsasaka kung ididikit natin sa importasyon mukhang yan ang maling pag-iisip ng ating economic managers na wag tulungan ang mga lokal na magsasaka pero tulungan ang mga dayuhang magsasaka kumbaga binibigyan pa nila ng merkado yung mga magsasaka ng Vietnam, ng Thailand,” pagbibigay diin ni Africa.

Unang nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan upang suportahan ang lokal na sektor ng agrikultura ng Pilipinas upang matiyak na mayroong sapat na suplay na pagkain ng bansa.

 

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,395 total reads

 2,395 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,155 total reads

 25,155 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,716 total reads

 65,716 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,419 total reads

 92,419 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,684 total reads

 140,684 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,654 total reads

 161,654 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 23,799 total reads

 23,799 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top