Kaalaman at kasanayan sa social services ng mga Obispo at Pari, paiigtingin ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 983 total reads

Layunin ng Caritas Philippines na paigtingin pa ang kaalaman at kasanayan ng mga Pari sa iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas sa bahagi ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang tiniyak ni Jing Rey Henderson, ang Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng NASSA/Caritas Philippines matapos na ihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang suporta nito sa itinayong learning ang training institute ng kanilang tanggapan.

Ayon kay Henderson, mas lalo pang pagyayamin ng Caritas Philippines Academy ang kakayanan ng iba’t-ibang mga Social Action Center at sa bahagi ng Social Service and Development sa mga nangangailangan.

Sinabi ni Henderson na sasailalim sa pagsasanay at pag-aaral ang mga Social Action Directors at iba pang lingkod ng Simbahan sa pamamagitan ng 14 month certificate courses katuwang ang Development Academy of the Philippines.

“Nitong January and July [CBCP] plenary ating hiniling sa mga Obispo na kilalanin ang ating academy kaya po ngayon finally ito po ay tinatawag nang Caritas Philippines Academy… Even yun mga Obispo at mga SAC Directors ay sinasabi na kung pwede magkaroon sila ng capacity building bago sumabak sa ganitong [paglilingkod].. na magkaroon sila ng consistent capacity building or training talaga” pahayag ni Henderson sa panayam ng programang Caritas in Action.

Aminado si Henderson na malaki din ang gampanin ng mga Social Action Directors lalo na sa nalalapit na halalan 2022 kung saan makikibahagi ang mga institusyon na ito sa pagpapalaganap ng discernments para sa mga mapipiling kandidato.

Taong 2016 nang unang sinimulan ang pagkakaroon ng leadership program ng Caritas Philippines kung saan maaring makibahagi ang mga Pari at mga layko mula sa iba’t ibang Diyosesis sa Pilipinas.

Ito ay bilang pagtugon sa panawagan ni Pope Emeritus Benedict XVI sa kanyang encyclical letter na ‘Deus Caritas Est’ kung saan hinihimok ang mga nasa ilalim ng Social Action Network na magkaroon ng kasanayan o ‘professional competence’ pagdating sa mga programa na nagsusulong ng adbokasiya at pagtulong ng Simbahan para sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 18,077 total reads

 18,077 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 105,087 total reads

 105,087 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 151,826 total reads

 151,826 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 199,698 total reads

 199,698 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 302,816 total reads

 302,816 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,286 total reads

 113,286 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top