Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Mabilis ang urbanisasyon sa ating bayan, kapanalig. Sensyales ito ng kaunlaran, ngunit maari rin itong maging senyales ng kasiraan. Ang modernisasyong hindi pinaghandaan at pinag-isipan ay maaring maging mitsa ng degradasyon ng ating mga komunidad.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 33 na ang highly urbanized cities o HUCs sa ating bansa. 16 dito ay nasa National Capital Region o NCR. Apat sa HUCs ay may populasyon na sobra na sa isang milyon – Quezon City, Manila, Davao, at Caloocan. Ang bilang na ito, kapanalig, ay pihadong tataas pa.

Nasa punto tayo ng ating kasaysayan kung saan hindi lamang mas marami ang nagpupunta sa mga syudad, mas lumalawak na rin ang sakop ng mga syudad. Unti unti ng nag-e-expand o gumagapang ang urbanisasyon sa mga dati nating nakilalang mga rural areas. Ang dating mga sakahan at taniman, ngayon, puro gusali o kabahayan na. Ang mga dating kabundukan, ngayon ay mga highway na. Ang mga pagbabagong ito ay maganda sa paningin at pandinig, ngunit may mga epekto ito na lubhang nagpahirap sa marami nating mga kababayan.

Una, nakaligtaan natin ang maayos na alkantariya at maayos na daloy ng mga katubigan sa ating paligid. Kaya ngayon, konting ulan lamang, nagta-taasan ang baha. Ginagambala nito ang pang-araw araw nating buhay, nagdadala ng sakit, at naglalagay sa panganib ng ating mga buhay. Kung maayos ang pagpaplano ng ating mga syudad, hindi lalala ng ganito ang pagbaha sa napakaraming urban areas sa ating bansa.

Isa pang problema ng urbanisasyon sa ating bayan ay ang kawalan ng pabahay at kakulangan sa batayang serbisyo. Napakabilis ng pagtaas ng presyo ng lupa sa ating mga syudad, at hindi na ito maabot ng pangkaraniwang mamamayan. Dahil dito, wala silang choice kundi manirahan sa mga informal urban settlements kung saan bitin ang tubig at sanitasyon. Karaniwang mga naninirahan sa mga lugar na ito ay gulugod ng service, informal, at transport sectors. Ang kawalan nila ay ikakaparalisa rin ng syudad.

Ang mga epektong ito ng urbanisyon ay nagpapakita sa atin na nakaligtaan ng bayan ang pinaka-importanteng sangkap—ang tao. Nagtayo ng mga gusali, ng mga subdibisyon, ng mga kalye, ngunit hindi nakita kung ang mga imprastrakturang ito ay tunay na magbebenipsiyo sa mga mamamayan, hindi lamang sa iilan at sa kasalukuyan, kundi sa nakakarami at sa darating pang panahon. In a nutshell, ang urbanisasyon sa ating bayan ay hindi naging inklusibo at sustainable.

Sabi nga ng Economic Justice for All, ang anumang aspeto ng ating economic life ay dapat mahulma ng tatlong katanungan: What does the economy do for people? What does it do to people? And how do people participate in it? Hangga’t hindi nakasentro ang development at urbanisasyon sa tao, hungkag at pansamantala lamang ang kaunlaran ng lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 12,997 total views

 12,997 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 41,002 total views

 41,002 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 58,802 total views

 58,802 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 58,290 total views

 58,290 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 169,916 total views

 169,916 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 12,998 total views

 12,998 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 41,003 total views

 41,003 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 58,803 total views

 58,803 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 58,291 total views

 58,291 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »
Scroll to Top