70-dekadang bilateral relation ng Holy See at Pilipinas, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total reads

Inilunsad ng Apostolic Nunciature at Pontifical and Royal University of Santo Tomas ang webinar para ipagdiwang ang pitong dekadang bilateral relation ng Holy See at Pilipinas.

Tema ng online lecture ang ‘An Overview of the 70th Anniversary of the Establishment of Diplomatic Relations between the Holy See and the Philippines’ na tinalakay ni Salesian archivist priest Nestor Impelido, isang Church historian na nagtuturo sa Don Bosco School of Theology at kasalukuyang nangangasiwa sa Don Bosco Archives.

Layon nitong palawakin pa ang relasyon sa pagitan ng Vatican at Pilipinas partikular na sa usapin ng pagpapalaganap ng pananampalataya kung saan ikatlo ang Pilipinas sa may pinakamalaking populasyon ng mga katoliko sa mahigit 80 porsyento sa kabuuang populasyon.

Nagsilbing panel of reactors sa online forum sina Dumaguete Bishop Julito Cortes, chairman ng Cultural Church Heritage commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at si UST Secretary-General and UST Asst. Archivist Fr. Louie R. Coronel, O.P.

Matatandaang April 8, 1951 nang maitatag ang diplomatic ties ng Holy See at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Elpidio Quirino.

Noong Abril 2021 kasabay ng pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa ipinagdiriwang din ang ika – 70 anibersaryo ng diplomatic relations sa pamamagitan ng online webinar na dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan kabilang na si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples’, noo’y Philippine Ambassador to the Holy See Grace Relucio Princesa at iba pa kung saan nagsilbing moderator naman si Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino.

Kabilang sa mabungang relasyon ng bansa at Vatican state sa pitong dekada ang apat na Papal visit: una ni Pope Paul VI noong 1970, Pope John Paul II noong 1981 at 1995, at pinakahuli si Pope Francis noong 2015.

Samantala, tampok naman sa online webinar na inilunsad ng UST ang mensahe nina Archbishop Brown, Arcbishop Paul Gallagher, Holy See Secretary for Relations with States, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at UST Rector Very Rev. Fr. Richard G. Ang, O.P.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 51,481 total reads

 51,481 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 98,227 total reads

 98,227 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 199,494 total reads

 199,494 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 269,679 total reads

 269,679 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 353,158 total reads

 353,158 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top