Mga botante, binalaan ni Bishop Bacani sa mga makasariling pulitiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total views

Ang tama at tunay na diwa ng politika ay ang pagnanais na maluklok sa anumang posisyon sa pamahalaan para sa kabutihan ng sambayanan at hindi para sa pansariling kapakinabangan.

Ito ang binigyang diin ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa programang Barangay Simbayanan sa Radio Veritas sa paksang ‘Pulitika at Pananampalataya’.

Ayon sa Obispo, ang mga politiko na nagnanais ng posisyon para sa pansariling kapakanan ay may pinakamalaking posibilidad na maging diktador, mapaniil, mapagsamantala at tiwali.

Tiniyak ni Bishop Bacani sa oras na maluklok sa puwesto ang mga tiwaling politiko ay tanging pansariling kapakanan lamang ang mananaig sa halip na kabutihan ng taumbayan.

“Ang tamang politika nais mong malagay sa puder [posisyon] para sa kapakanan ng sambayanan yun ang dahilan, ang naghahanap ng puder para sa kanyang sariling kapakanan ay siguradong magiging diktador yan, tyrant yan, mapagsamantala yan, mapangurakot at dito sa Pilipinas yun ang nangyayari, at kapag nalagay na sa puder at nangurakot na dapat namang ipagtanggol o ipagpatuloy yang pangungurakot para hindi sila maprosecute..” pahayag ni Bishop Bacani Jr. sa Radio Veritas.

Ipinaliwabag ng Obispo na inakasalalay sa mga botante ang soberenya ng bansa.

Iginiit ni Bishop Bacani na nagmumula sa kapangyarihan ng mga botante na maghalal ang kapangyarihan na tinatamasa ng mga opisyal ng bayan na dapat nilang paglingkuran.

“The sovereignty resides on the people na tayo ang may kapangyarihan at yung mga binoboto natin nagkakaroon ng kapangyarihan sa pamamagitan ng ating pagpili sa kanila, ngunit sila ay pinipili natin tayo ang namimili at tayo ang kanilang paglilingkuran.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Batay sa pinakahuling tala ng Commission on Elections (COMELEC), umaabot sa mahigit 63-milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nakatakdang 2022 National ang Local Elections.

inaanyayahan ng Simbahan ang mga botante para sa pagkakaroon ng One Godly Vote o pakikilahok sa proseso ng halalan at pagboto sa pamamagitan ng gabay ng mga panlipunang turo ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 41,608 total views

 41,608 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 74,690 total views

 74,690 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 103,041 total views

 103,041 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 170,773 total views

 170,773 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 191,002 total views

 191,002 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top