Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging hari, sumisimbolo sa kapakumbabaan hindi ng kayabangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total views

Iginiit ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang kapangyarihan ng pagiging Hari ni Kristo ay ipinakita sa pagpapakumbaba.

Ito ang inihayag ng cardinal sa sa banal na misang ginanap sa San Fernando De Dilao Parish sa Maynila sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Batid ni Cardinal Advincula na kaakibat ng paghahari ang kapangyarihan subalit binigyang diin ang pagkakaiba ng paghahari ni Kristo kumpara sa mga hari ng iba’t ibang bansa sa mundo.

“Alalahanin natin na ang kapangyarihan ng pamumuno ng ating Panginoong Hesukristo ay iba sa idinidikta ng mundo, maaring may pagkakahawig subalit ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi lang pagsakop o pangingibabaw sa atin kundi ipinahihiwatig ito sa daan ng kapakumbababaan,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Hamon ng arsobispo sa bawat isa ang manatiling mapagpakumbaba tulad ng ipinamalas ni Hesus sa kabila ng katanyagan sa lipunan.

Sa hiwalay na panayam ng Veritas Patrol sa arsobispo ipinaalala nito sa mamamayan ang kahalagahan ng kapangyarihang bumoto sa nalalapit na 2022 National and Local Elections upang ihalal ang mga taong may tunay na hangaring maglingkod sa bayan.

Panawagan nito sa 63 milyong botante na masusing pag-aralan ang bawat kandidato na magsusulong ng mga programang nakabatay sa kautusan ng Panginoon partikular sa pagtataguyod ng kapakanan ng nakararami.

“Panalangin ko ay pumasok tayo sa isang masusing pag-aaral ng mga programa at plataporma ng bawat kandidato, suriin at balikan natin ang ating kasaysayan at matuto sa mga aral nito,” ani ng Cardinal.

Sa pista ng Kristong Hari ng arkidiyosesis nagsagawa ng motorcade ang San Fernando de Dilao vicariate upang ihayag sa pamayanan ang paghahari ng Panginoon.

Kabilang sa mga parokyang dinaanan ng motorcade ang Sta. Maria Goretti Parish, Sto.Nino de Pandacan Parish, Our Lady of Penafrancia Parish, St. Peter the Apostle Parish at ginanap naman ang pagtatanghal sa kabanal-banalang katawan ni Kristo sa San Fernando De Dilao o Paco church.

hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na yakapin si Hesus at maging panig sa katotohanang hatid ng Kanyang mga Salita na nagbibigay pag-asa sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap sa buhay tulad ng naranasang pandemya.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 53,627 total views

 53,627 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 74,692 total views

 74,692 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 97,714 total views

 97,714 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 135,780 total views

 135,780 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top