Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530 total reads

Mga Kapanalig, sa kanyang ensiklikal na Evangelii Gaudium, sinabi ni Pope Francis na naniniwala siyang ang pulitika, sa kabila ng mababang pagtingin dito ng marami, ay nananatiling isang matayog na bokasyon. “A lofty vocation,” sabi niya. Ito rin ang isa sa mga pinakamataas na paraan ng paghahatid ng malasakit o charity dahil nakatuon ito sa kabutihang panlahat o common good.

Nakalulungkot na sa ating bayan, ang pulitika ay nakikita bilang larangan kung saan nag-aagawan sa kapangyarihan ang mga taong may kani-kaniyang interes. Itinuturing nila ang pagkakaroon ng posisyon sa pamahalaan bilang paraan upang makontrol ang mga tao, ang sistema, at ang mga batas para sa kanilang sariling kapakanan. Ang pagpasok sa pulitika ay nakikitang tulong sa pagpapalawak ng kanilang negosyo at mga koneksyong magbibigay sa kanila ng dagdag na kayamanan.

Siyempre, hindi ito lantarang sasabihin ng ating mga pulitiko, at hindi rin naman lahat ng mga kandidato sa darating na halalan ay ganito ang pagtingin sa pulitika. Ngunit nitong mga nakalipas na araw, habang papalapit ang pagtatapos ng panahong pinapayagan ang substitution sa mga nauna nang naghain ng kanilang kandidatura, nakita natin kung paanong tila ba pinaglalaruan na lamang ng ating mga pulitiko ang pulitika sa ating bansa.

Nariyang ang mga nagsabi noong wala silang planong tumakbo para sa pinakamatataas na puwesto sa pamahalaan ay lumipat sa ibang partido upang maging standard bearers nito sa eleksyon. Bumubuo ng alyansa ang mga pulitikong sangkot sa iba’t ibang katiwalian at nakikinabang sa yamang ninakaw ng kani-kanilang pamilya. Nagsama-sama ang mga pulitikong napatunayang kinurakot ang pera ng taumbayan. Pinalalabas pa nilang nagsisiraan sila at naghihilahan pababa, ngunit sa katunayan, magkakakampi rin naman sila sa pagtatakip sa kani-kanilang kasalanan sa bayan at sa pagprotekta sa kanilang mga interes. Kitang-kita nga natin sa uri ng pulitika sa Pillipinas na “there are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.”

Ang nakalulungkot at nakapanghihina ng loob, marami sa atin ang tila ba bulag sa mga maling malinaw na ginagawa ng mga pulitiko. Ang mga pulitiko pang ito ang nananatiling populár at nangunguna sa mga survey at masasabing may hatak sa mga tao. Sadya nga bang makakalimutin tayong mga Pilipino? Bakit kaya may mga umiiidolo sa mga magnanakaw, tiwali, at kumikiling sa karahasan at pagpatay? Bakit natin hinahayaan lamang ang mga pulitikong napatunayang sangkot sa kurapsyon na muling bumalik sa pamahalaan? Bakit kaya marami sa atin ang walang nakikitang mali sa marangyang pamumuhay ng mga pulitiko—sumasakay ng pribadong jet, naninirahan sa malalaking mansyon, at may malalawak na lupain—habang ang kanilang mga dapat pinaglilingkuran ay nagdidildil ng asin, nanlilimos sa lansangan, at walang matawag na sariling tahanan.

Ang patuloy na paglalaro sa pulitika ay salamin din marahil ng pagpapahalaga nating mga mamamayan sa pulitika. Siguro ay nasanay na tayo sa uri ng pulitikang pinatatakbo lamang ng iilan, pulitikang ginagamit para sa mga makikitid na interes. Siguro ay hindi rin natin nakikita kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pulitikang dapat nilalahukan ng lahat, pulitikang naglilingkod sa mga tao. Samakatuwid, sa atin din dapat nagsisimula ang pagbabagong gusto nating makitang mabago sa ating pulitika.

Mahirap ito. Kailangan nito ng malalim na pagbabago sa ating sistema ng edukasyon. Kailangan nito ng pagbabago sa ating kalooban upang lumabas sa ating mga nakasanayan. Kailangan nito ng pagtataya sa bayan at sa ating kapwa.

Mga Kapanalig, wika nga sa Filipos 3:20, “tayo ay mga mamamayan ng langit.” Pinahihiwatig din nitong ang kalagayan natin ay nakasalalay sa kung paano tayo nagiging mamamayan sa ating bayan. Magiging mamamayan tayo ng langit kung magiging tapat tayo sa ating mga tungkulin, simula sa pagpili ng mga karapat-dapat na lider ng bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,625 total reads

 63,625 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 112,258 total reads

 112,258 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 160,131 total reads

 160,131 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 264,076 total reads

 264,076 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 347,118 total reads

 347,118 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,626 total reads

 63,626 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 112,259 total reads

 112,259 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 160,132 total reads

 160,132 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top