Mamamayan, hinimok na makiisa sa “Bayanihan Bakunahan” program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total reads

Hinimok ng Health Care Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat mamamayan na makiisa sa isasagawang National Vaccination Days upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay ang Bayanihan Bakunahan program ng pamahalaan na isasagawa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Sa inilabas na pahayag ni CBCP-ECHC Chairman at Naval Bishop Rex Ramirez, binigyang-diin nito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinihikayat ang bawat isa na magpabakuna laban sa COVID-19, sapagkat ito ang magbibigay ng pag-asa upang malunasan ang pandemya at bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

“Indeed, the Holy Father himself has affirmed that receiving a COVID-19 vaccine that is ‘authorized by the respective authorities’ is an ‘act of love’,” pahayag ni Bishop Ramirez.

Sinabi ng obispo na maaaring makatulong ang bawat isa upang maging matagumpay ang pambansang araw ng pagbabakuna sa pamamagitan ng pagsusulong at paghikayat sa mga komunidad na magpabakuna laban sa virus.

Gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapagamit ng mga pasilidad ng simbahan para maging vaccination area, at ang paghimok sa mga church workers na mag-volunteer sa mga gawaing may kaugnayan sa pagbabakuna.

Samantala, iginiit din sa pahayag na patuloy namang kikilalanin at igagalang ng simbahan ang malayang pagpili ng sinuman sa pagnanais nitong magpabakuna o hindi batay sa kanyang konsensya.
Ngunit, kung pinili ng isang indibidwal na hindi magpabakuna, tungkulin naman nitong patuloy na pangalagaan ang sarili, maging ang kapwa upang maiwasan ang hawaan ng virus.

“This is everyone’s moral responsibility,” ayon sa pahayag.

Layunin ng Bayanihan Bakunahan na mabakunahan ang nasa 15-milyong Filipino mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, aabot na sa halos 34 na milyong Filipino ang kumpleto na sa bakuna laban sa nakakahawa at nakamamatay na COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 96,781 total reads

 96,781 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 133,568 total reads

 133,568 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 164,142 total reads

 164,142 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 213,073 total reads

 213,073 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 274,666 total reads

 274,666 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 54,573 total reads

 54,573 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top