Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Vaccination sa PDL’s, pinuri ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

 503 total views

Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang ginagawang hakbang ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections na pagbabakuna sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa bansa.

Ayon kay Legaspi Bishop Joel Baylon – chairman ng komisyon, isang magandang balita ang ulat ng BJMP na hindi bababa sa 91-porsyento ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang nabakunahan na kontra COVID-19.

“The CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care receives with gladness the news that 91% of persons deprived of liberty in the detention facilities under the care of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nationwide, has been vaccinated against the COVID-19 virus. We further acknowledge a similar effort being done by the Bureau of Corrections in their respective facilities, albeit reportedly for still a small percentage of PDLs.”pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Pinurii ng Obispo, ang hakbang ng mga institusyon ng pamahalaan upang maipadama sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pagiging kasapi ng lipunan.

Ipinaliwabag ni Bishop Baylon na kaakibat ng proteksyon laban sa COVID-19 ay nagbibigay ito ng pag-asa at katiyakan na hindi sila naisasantabi sa lipunan maging sakabila ng kanilan.

“We hope and pray that these urgent and necessary responses in behalf of our brothers and sisters in the various detention facilities all over the country – including the centers for children in conflict with the law – will guarantee that they (PDLs) will not be left behind or taken for granted, but be guaranteed protection and safety from the covid-19 virus, like the rest of the country.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Batay sa ulat ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral hindi bababa sa 91% ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa ilalim ng BJMP, katumbas ito ng 114,570 sa 125,082 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) kung saan nasa kabuuang 76,084 na ang nakakumpleto ng kanilang pangalawang dose o fully vaccinated na.

Kaugnay nito, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ang patuloy na pagpapahalaga sa dignidad at pagkakaroon ng karapatan ng mga bilanggo sa mga mahahalagang benepisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 45,238 total views

 45,238 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 77,233 total views

 77,233 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,025 total views

 122,025 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 145,213 total views

 145,213 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 160,612 total views

 160,612 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 57,983 total views

 57,983 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 35,717 total views

 35,717 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 42,656 total views

 42,656 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 52,111 total views

 52,111 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top