Pagkain at ang Bitin na Budget

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 593 total views

Kapanalig, pataas ng pataas ang presyo ng bilihin, hindi lamang sa ating bansa, kundi sa buong Asya. Habang tumataas ang bilihin, papaliit naman ng papaliit ang kinikita ng mga tao. Ano kaya ang pwede natin gawin?

Dahil sa pandemya, pagtaas ng transport costs, at bagyo, baha, o tagtuyot, kasama na ang mga iba pang hamon gaya ng African Swine Flu, tumataas ang presyo ng mga pagkain. At habang tumataas ang presyo ng pagkain, mas maraming tao ang kapos na ang budget at nakakaranas na ng mas madalas na gutom. Ayon nga sa isang report,  sa buong Asia and the Pacific, umaabot ng 1.9 bilyong tao ang di nakayanang makabili ng healthy diet kahit bago pa magpandemya. Dahil nga sa pagtaas ng presyo ng prutas, gulay, at karne, naging mas mahirap para sa marami ang maka-acess ng ng pagkaing pampalusog.

Ang epekto nito, malnutrisyon. Tinatayang mahigit pa sa 350 milyong tao sa Asya at Pasipiko ang undernourished noong 2019, at 74.5 milyong bata edad 5 pababa ang bansot o stunted. Pihadong dadami pa ito kung magmamahal pa ang pagkain o di kaya, liliit pa ang sweldo ng tao.

Ito ngang panahon ng pandemya, sinabayan ng pagtaas ng bilihin ang pagtaas ng unemployment rate pati ng bawas na oras sa trabaho. Ayon nga sa isang pag-aaral, ang ating bansa ang nakaranas ng pinakamataas na pag-angat ng unemployment rate mula 2019 hanggang 2020: 5.2 percentage points.  Ibig sabihin nito, mas marami talagang nabawasan ng kita sa ating bansa.

Kaya nga kapanalig, napakahalaga na maging tuloy tuloy ang pagbagsak ng bilang ng mga active COVID cases  sa ating bansa. Nagpapakita ito ng ating pagbangon at pagbawi sa nawalang kita nitong mga nakaraang mga taon. Malaki ang responsibilidad ng pamahalaan na masiguro ito, lalo’t may bagong hamon sa buong mundo ngayon, ang Omicron variant. Kapag nadale tayo nito, mas papalalain nito ang mga nararanasan nating suliranin.

Maliban pa dito, inaasahan ng marami, lalo ngayong kapaskuhan, na hindi na tataas pa ang pangunahing bilihin. Nitong mga nakaraang linggo, ginulat na tayo ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis pati na ng pagkain. Huwag na sanang madagdagan pa. Ang paskong salat sa masustansyang pagkain ay magdidilim ng pag-asang naaninagan na sana natin. Ayon nga sa Evangelii Gaudium, “It is the responsibility of the State to safeguard and promote the common good of society.” Kasama sa responsibilidad na ito kapanalig, ang pagbibigay tulong sa mamamayan, lalo na kung salat ang pagkain, at bitin pa ang budget ng nakararami.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 46,763 total views

 46,763 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 79,845 total views

 79,845 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 108,196 total views

 108,196 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 175,928 total views

 175,928 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 195,826 total views

 195,826 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 46,764 total views

 46,764 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 79,846 total views

 79,846 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 108,197 total views

 108,197 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 175,929 total views

 175,929 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top