Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PAMALAKAYA, hinamon ang pamahalaan na manindigan laban sa pananakop ng China

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 918 total views

Nananawagan ng suporta sa pamahalaan ang National Federation of Small Fisherfolk Organization in the Philippines o PAMALAKAYA sa patuloy na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pamalakaya National Chairperson Fernando Hicap, dapat na pagbayaran ng China ang idinulot nitong pinsala sa mga yamang-dagat sa WPS tulad ng pagtatambak ng mga lupa sa karagatan upang makapagtayo ng artificial islands.

“Immediate ‘yung panawagan natin. ‘Yung manindigan at igiit na tayo talaga ‘yung mayroong karapatan d’yan sa West Philippine Sea,” pahayag ni Hicap sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Hicap na dapat na ring itigil ng China ang paninindigan kaugnay sa nine-dash line claim na nauna nang sinabi ng United Nations Permanent Court of Arbitration o UN Tribunal na pasok sa exclusive economic zone ng ibat-ibang mga bansa gaya ng Pilipinas.

“Dapat na tapusin na ‘yung kahibangan ng China ng pananakop d’yan sa West Philippine Sea.Yung panggigiit n’yan nung kanilang ibinasura na arbitration noong 2016 na nine-dash line [claim],” saad ni Hicap.

Sa desisyon ng UN Tribunal, binabalewala nito ang nine-dash line claim ng China at binibigyang karapatan ang mga mangingisda sa Pilipinas na mangisda sa Scarborough Shoal na inaangkin ng China at ang mischief reef na itinuturing na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Binatikos din ng tribunal ang pagsira ng China sa coral reef nang gumawa sila ng artificial islands na dapat panagutan dahil ito ang pinakamalaking pinsala sa coral reef sa kasaysayan.

Batay sa datos ng Advocates of Science and Technology for the People (AGHAM), hindi bababa sa P1.3 trilyon kada taon ang nawawala sa bansa dahil sa pagkasira ng 16,000 ektarya ng mga coral reef dulot ng reklamasyon at illegal poaching sa WPS.

Samantala, panawagan naman ng grupo sa mga susunod na pinuno ng Pilipinas na nawa’y manindigan laban sa China upang tuluyan nang matigil ang pananakop nito sa mga teritoryong pagmamay-ari ng bansa.

Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangang ang yaman ng nasabing isla ay paghati-hatian ng mga maliliit na bansang nakapaligid dito.

Sinabi rin ng Santo Papa sa kanyang Laudato Si na isa sa dapat pangalagaan ay ang mga pinagkukunang yaman ng mamamayan tulad ng katubigan kaya’t kinokondena nito ang pagsasagawa ng mga aktibidad na pumapatay sa mga isda at iba pang yamang-dagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 5,588 total views

 5,588 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 27,654 total views

 27,654 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 43,350 total views

 43,350 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 51,591 total views

 51,591 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 115,398 total views

 115,398 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top