National consecration to the Immaculate Conception of Mary at St. Joseph, live sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Makiisa ang Radio Veritas 846 sa isasagawang National Consecration to the Immaculate Conception of Mary and St. Joseph sa December 8,2021.

Sa inilabas na sirkular ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ibinahagi nitong pangungunahan ni CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagtatalaga ng bansa sa pamamagitan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo at ang Act of Consecration of Families to St. Joseph.

Gaganapin ito sa San Roque Cathedral sa Diocese of Kalookan dakong alas onse ng umaga kasabay ng pagdiriwang sa Kapistahan ng Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

Dahil dito, hinimok ng CBCP ang mananampalataya na magkaisa sa pagtatalaga ng bansa sa Mahal na Birheng Maria at kay San Jose upang mabigyang proteksyon sa banta ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

“Let us, as one nation, earnestly pray for the continued protection of our Blessed Mother Mary and seek the assistance of our dear father St. Joseph, as we continue to face together the effects of the global pandemic,” bahagi ng pahayag ng CBCP.

Ang pagtatalaga ng mga pamilya kay San Jose ay pagtatapos sa Year of St. Joseph na unang itinalaga ni Pope Francis noong December 2020.

Hinikayat din ng CBCP ang mga arkidiyosesis, diyosesis, mga parokya, religious communities at lahat ng mananampalataya na makiisa sa mahalagang gawain kung saan ang December 8 ay itinalaga ng simbahan bilang Holy Day of Obligation.

Nagpadala rin ang CBCP ng kopya ng mga panalangin sa pagtatalaga na maaring dasalin ng mga simbahan pagkatapos ng panalangin sa pakikinabang ng bawat misa.

Bukod sa Radio Veritas 846, matutunghayan din ang gawain sa DZRV 846 Facebook page, Veritas TV sa Skycable 211, TV Maria, CBCP News, Dominus Est at sa iba’t ibang social media pages ng mga simbahan sa buong bansa.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 2,931 total reads

 2,931 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 118,650 total reads

 118,650 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 159,214 total reads

 159,214 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 179,681 total reads

 179,681 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 227,948 total reads

 227,948 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 245,293 total reads

 245,293 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top