Huwag isantabi ang mga may kapansanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Pagtuunan ng pansin at huwag isantabi ang mga may kapansanan.

Ito ang paalala ni Camillian Priest Father Dan Cancino, executive director ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care sa paggunita at pag-alala sa araw ng mga may kapansanan o Persons with Disabilities (PWD).

Ayon kay Fr. Cancino, magpahanggang ngayon ay makikita pa rin sa lipunan ang mababang pagtingin sa mga taong may kapansanan na higit na nangangailangan ng sapat na atensyon at proteksyon mula sa pamahalaan.

“Dapat sariwain natin na sa panahon ng pandemya, dapat wala tayong makalimutan lalong lalo na ang ating mga kapatid na nangangailangan. Mas kailangan tayo ng ating mga kapatid na PWD,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng Pari na muling isaalang-alang at pakinggan ang hinaing ng mga PWD dahil sila rin ay may karapatang magsalita at makibahagi sa mga usapin sa lipunan.

“Sila din ay may pangangailangan, may damdamin; mayroon din silang masasabi sa mga diskusyon ng buhay at magandang makinig sa kanila,” ayon sa pari.

Kabilang din ang sektor ng mga may kapansanan sa tinutukoy ng Kanyang Kabanalan Francisco sa proseso ng isinasagawang Synod on Synodality ng simbahang katolika.

Ipinaliwanag ni Fr. Cancino na sa pamamagitan ng panawagan ng Santo Papa ay maipaparamdam sa mga PWDs ang pakikiisa at pagpapakita ng pantay na pagtingin at pakikinig sa kanila.

“Bagamat sila ay may mga kapansanan, sila ay bahagi ng simbahan, bahagi natin,” saad ni Fr. Cancino.

Ipinagdiriwang ang International Day of Persons with Disabilities tuwing Disyembre 3 kung saan tema ngayon ang ‘Leadership and participation of persons with disabilities toward an inclusive, accessible and sustainable post-COVID 19 world’.

Batay sa tala, nasa humigit-kumulang isang bilyon o 15-porsyento ng populasyon sa buong mundo ang mayroong kapansanan.

Habang sa Pilipinas naman ay aabot sa 1.44 na milyon o 1.57 porsyento ang populasyon ng mga PWDs.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 75,624 total reads

 75,624 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 178,155 total reads

 178,155 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 214,943 total reads

 214,943 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 245,518 total reads

 245,518 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 290,767 total reads

 290,767 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,120 total reads

 58,120 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top