Unemployment insurance, ipatupad sa pag-iral ng panibagong lockdowns

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Paglaanan ng sapat na pondo ang pandemic response ng Pilipinas at pagtulong sa mga sektor na pinaka-naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ito ang mga mungkahi nila University of Santo Tomas Department of Economics Chairman Dr. Carlos L. Manapat at IBON Foundation Executive Director Sonny Africa sakaling lumala ang sitwasyon dahil sa bagong Omicron variant na nagdudulot ng panibagong lockdowns.

Ang Omicron variant na itinuring ng World Health Organization (WHO) bilang isang variant of concern ay naitala na sa mahigit apatnapung mga bansa.

Inaasahan naman ni Dr. Manapat na kung magkaroon ng Omicron variant sa Pilipinas ay mananatili ang 50% capacity ang Food at Entertainment Industry upang patuloy parin ang operasyon ng mga negosyo at trabaho.

“Restaurants operate at 50% capacity, and around 40% of that is used in paying for rental cost, it means that only 10% is left for labor cost; what will happen to you? Most of the businesses are operating at cost; they don’t want to close because they want to continue to help their employees survive,” pahayag sa Radio Veritas ni Dr. Manapat.

Pinangangambahan naman ni Africa na maging mas matindi ang epekto ng panibagong lockdown dahil marami pa ang hindi nakakabawi sa mga suliraning idinulot ng mga nag-daang lockdowns mula Abril at Setyembre 2021.

“Matindi ang epekto ng ganito laluna’t hindi pa nga nakapag-rekober ang kita at hanapbuhay ng marami sa mga nakaraang lockdown,” ayon sa mensahe ni Africa sa Radio Veritas.

Dahil sa banta ng panibagong lockdowns ay iminungkahi ni Dr.Manapat ang pag-aalis sa patakaran ng mga establisyemento kung saan obligado ang mga nangungupahan na magbayad ng isa hanggang dalawang taong advance payment.

Ayon pa sa opisyal ng UST, napapanahon narin ang pagsusulong ng mga batas upang itaguyod ang pagkakaroon ng “Unemployment Insurance”.

Una ng tumulong ang Caritas Manila sa mga higit na nangangailangan at mga nawalan ng kabuhayan ng dahil sa pandemya kung saan namahagi ang Social Arm ng Simbahan ng mga gift at cash cheque, hygiene kits at grocery packages sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 74,264 total reads

 74,264 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 176,939 total reads

 176,939 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 213,727 total reads

 213,727 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 244,302 total reads

 244,302 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 289,600 total reads

 289,600 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 24,802 total reads

 24,802 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top