PNP, tiniyak ang seguridad ng mga sugatang bilanggo sa NBP riot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 531 total views

Titiyakin ng mga opisyal ng New Bilibid Prison ang seguridad ng mga high-profile prisoners na sugatan sa naganap na riot sa building 14 ng NBP.

Ipinangako ito ni PNP spokesperson Superintendent Dionardo Carlos matapos ang riot na kinasasangkutan ng mga tinaguriang high-risk criminal.

Paliwanag ni Carlos, sa mga opisyal pa rin ng NBP magmumula ang mga desisyon at gampanin ng PNP-SAF na pansamantalang itinalaga sa bilaguan upang magpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa loob ng pambansang piitin.

“well NBP Officials will take the necessary decision on that, our personnel is there for the disposal of the leadership of the NBP, so they will secured based on the instructions and orders of the NBP officials…”pahayag ni Carlos sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, ipinaubaya na ng Bureau of Corrections ang imbestigasyon sa PNP- Crime Investigation and Detection Group (CIDG) upang malaman ang pangunahing dahilan sa naganap na riot sa loob ng building 14 ng NBP na ikinasawi ng high-profile prisoner na si Tony Co at ikinasugat naman nina Jaybee Sebastian at Peter Co na kapwa inaasahang titestigo sa isinasagawang pagdinig sa Kongreso kaugnay sa patuloy na illegal drug trade sa loob ng NBP.

Samantala, una nang inihayag ng PNP na bumaba ng 31-porsyento ang krimen sa bansa mula noong nakalipas na taon habang nabawasan naman ng 90-porsyento ang supply ng ilegal na droga sa bansa.

Magugunitang, una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, ngunit binigyang diing hindi nararapat malabag ang ano mang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat at kitilin ang buhay maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 15,672 total views

 15,672 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,023 total views

 44,023 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,753 total views

 111,753 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 134,904 total views

 134,904 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 203,993 total views

 203,993 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top