Kalikasan at Pag-alala sa mga Biktima ng Bagyong Ondoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,104 total reads

Isa sa mga hindi malilimutang sakuna sa ating kasaysayan ay ang Bagyong Ondoy at ang dala nitong matinding baha.

Setyembre 26, 2009 ng biglang mabilis na dumaloy ang baha sa maraming bahagi ng NCR at karatig probinsya. Halos isang milyong pamilya ang naapektuhan nito o mga 4.9 milyong tao. Tinatayang halos 500 ang namatay, 530 ang nasugatan, at 37 ang nawala. Lampas tao na baha ang naranasan sa maraming mga lugar. Isa na rito ang Marikina, na isa sa nakaranas ng matinding pagbaha.

Maliban sa matinding pagbaha, nagdala rin si Ondoy ng isa pang problema: ang leptospirosis outbreak. Ayon sa datos ng Department of Health, siyam na hospital sa Metro Manila ay nakapagtala ng kabuuang 383 na kaso ng leptospirosis matapos ang pagbaha.
Marami ang nagdalamhati sa epektong dinulot ng Bagyong Ondoy, ngunit ayon nga sa kasabihan, may bahaghari matapos ang pag-ulan.
Dahil sa nakitang malawakang epekto ng Ondoy, at ng bagyong sumunod dito (Pepeng), nagkaroon ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Ang batas na ito ay naglayong isaayos ang kahandaan at kakayahan ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa anumang sakunang darating sa bansa. Ang mga LGUs ay nagkaroon ng ibayong pagpaplano, nagkaroon ng mga hazard mapping, at maraming mga kawani ng pamahaalan, mula sa barangay hanggang ehekutibo, ay binigyan ng kasanayan sa disaster risk reduction at management.
Ito ay isang mainam na aksyon mula sa sama sama nating karanasan bilang magkakapatid na biktima ng sakuna. Ang mga nagdaang bagyo ay nagbigay sa atin ng kamulatan ng kahalagahan ng kahandaan, lalo na’t ang ating bansa ay bulnerable sa iba ibang uri ng sakuna maliban sa bagyo.

Ang pag-alala sa Ondoy, kapanalig, ay hindi lamang pag-alala sa pagdurusa. Ito rin ay pag-alala sa kakayahan nating bumangon mula sa sukdulang paghihirap. Ang mga ganitong alala ay isang malaking konsolasyon sa atin bayan, lalo na sa tuwing hindi natin makita ang pagkaka-isa sa bayan. Ang ating pagbangon mula sa Ondoy ay testamento sa kakayahan nating magmahal sa kapwa, na dapat isabuhay natin ngayon kung kailan puro poot, galit at mura ang namumutawi sa ating lipunan.

Ang ating sama samang pagbangon at pagtutulungan sa bawat sakunang dumapo sa bayan ay nagbibigay buhay sa mga kataga ni Pope Francis mula sa Laudato Si: Local individuals and groups can make a real difference. “They are able to instill a greater sense of responsibility, a strong sense of community, a readiness to protect others, a spirit of creativity and a deep love for the land.” Nawa’y maipagpatuloy natin ang ganansya ng ating sama-samang aksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 46,240 total reads

 46,240 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 131,605 total reads

 131,605 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 178,341 total reads

 178,341 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 226,213 total reads

 226,213 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,992 total reads

 327,992 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 46,241 total reads

 46,241 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 131,606 total reads

 131,606 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 178,342 total reads

 178,342 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 226,214 total reads

 226,214 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top