Ilang mga Isyu ng Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,851 total views

Kapanalig, maliban sa droga, marami pang mga isyu ang ating lipunan na kailangan natin harapin.

Isa sa mga pangunahing isyu nito ay ang rich and poor divide o ang inequality. Ang phenomenon na ito ay hindi unique o natatangi sa ating bansa. Ito ay global. May mga datos na nagsasabi na 10% lamang ng global population ang kumokontrol sa 90% ng global resources. Ang yaman ng mga nasa top three richest person ay mas mataas pa sa total GDP ng 48 na bansa. Ang yaman ng 32 na pinakamayamang tao sa mundo ay mahigit pa sa total GDP ng South Asia. Sa ating bansa, ramdam din ang rich poor divide. Kongkreto itong makikita sa magkasabay at magkatabing pag-usbong ng mga magagarang subdibisyon at nagsisikipang informal settlements. Makikita rin ito sa pagsulpot ng mga naglalakihang malls katabi ng mga naglilipanang street vendors.

Ang environmental degradation ay isa rin sa mga malalaking isyu ng bayan. Nitong nakaraang limampung taon, 70% ng ating mga kagubatan ay halos nakalbo na. Marami na ring mga lugar ang naging mining sites, at naiwan na lang nakatinwangwang pagkatapos bungkalin.
Ang mataas na pag-akyat ng populasyon ay isa ring isyu. Pito sa sampung bansa na may mataas na populasyon ay mga developing countries. Karamihan sa kanila ay bata, at may malaking potensyal na magdagdag pa sa populasyon. Kapag hindi natin ito maharap, mas lalong hihirap ang access to basic services sa ating bayan.

Ang kahirapan, din kapanalig, ay isang malaking isyu. Lalo pat ngayon na tumataas ang halaga ng piso, at ang pinaka-maralita ang apekado ditto. Sa Ngayon, halos sampung libo kada buwan ang kailangan upang mamuhay ng maayos ang isang karaniwang pamilya Pilipino na may limang miyembro. Kumpara natin dito kapanalig, ang kinikita ng mga scavengers o mangangalakal, na dumadami ang bilang sa ngayon. Sa P100 hanggang P200 kada araw, kung suswertehin, humigit kumulang P6,000 lamang ito.

Kapanalig, kailangan naman nating harapin ang mga ito. Ang pagsasawalang bahala sa mga isyung ito ay pagsasawalang bahala sa mga pinakamahirap na miyembro ng ating lipunan. Mas higit pa at mas malawak ang epekto nito sa ating bansa. Sa pagwaglit natin sa mga isyung ito, mas lalo nating pinabibigat ang buhay ng maralita.

Sa puntong ito, magandang inspirasyon ang pahayag ni Pope Francis: To live charitably means not living out for own interests, but carrying the burdens of the weakest and the poorest among us.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 13,592 total views

 13,592 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 138,003 total views

 138,003 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 181,325 total views

 181,325 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 261,774 total views

 261,774 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Lights! Camera! Action?

 13,593 total views

 13,593 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 138,004 total views

 138,004 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 181,326 total views

 181,326 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »
Scroll to Top