Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 534 total reads

Isa sa mga sukdulang nagpalungkot sa ating bayan ngayong Pasko ay ang paghagupit ng Bagyong Odette sa ating bansa. Matapos nito, ang impormasyong salat na ang budget ng bansa para sa pagbangon ng marami nating mga kababayan ay isa ring nakakapanlumong realidad na tumambad sa atin, sabay sa mga pinsalang dala ng bagyo.

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, napakadaling mawalan ng pag-asa, kahit na pasko pa. Napapaligiran man tayo ng pagkaluray, hindi tayo dapat mawalan ng loob. Ito ang panahon upang magkapit-kamay, tumayo, at bumangon muli. Ito ay panahon ng pagbubukas ng ating mga mata at ng pagsabi na hindi na dapat tayo magkanda-kumahog at mataranta pa sa harap ng sakuna. Ito ay panahon upang matutunan na natin, once and for all, kung ano ang ating tamang gawin, para sa kapakanan ng buong bayan, lalo na ng mga nasalanta.

Mahigit pa sa 1.8 milyong pamilya ang apektado ng bagyo kapanalig, at marami sa kanila, namumulubi na pagkatapos ng sakuna. Alam na natin ang pangunahing pangangailangan nila, at marami sa atin ang nagpadala na ng  tulong sa ilang mga lugar. Kaya lang kapanalig, huwag sana humupa ang pagtulong na ito. Sa ngayon, marami pang lugar ang hindi pa naabot ng ating kawanggawa. Marami pang lugar ang nasa dilim at karukhaan, nangangailangan ng pang-unang ayuda upang makatayo muli.

Huwag nating isipin na ang ating maliit na tulong ay laging bitin, o hindi mapapawi ang uhaw, gutom, o pighati ng mga mamamayang nawalan ng gamit, bahay, o pamilya. Kalakip ng ating ambag, gaano man kalaki o kaliit nito, ay ang ating mensahe ng pakikiisa o message of solidarity.

Ang Justicia in Mundo ay may paalala sa atin ukol sa kahalagahan ng pag-aaruga sa ating kapwa. Ayon dito: Our relationship to our neighbor is bound up with our relationship to God; our response to the love of God, saving us through Christ, is shown to be effective in his love and service of people. Christian love of neighbor and justice cannot be separated.

Tayong may mga kakayahan ngayon ay maaring magtanglaw ng liwanag sa ating mga kababayan na naghahanap ng aninag ng pag-asa ngayong kapaskuhan. Ito ay panlipunang katarungan. Ito ay kabutihang pangbalana. Bigyan natin ng pag-asa ang ating mga kababayan ngayong pasko.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,537 total reads

 100,537 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,380 total reads

 177,380 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,828 total reads

 210,828 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,128 total reads

 246,128 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,793 total reads

 468,793 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 100,538 total reads

 100,538 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,381 total reads

 177,381 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,829 total reads

 210,829 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,129 total reads

 246,129 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top