Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Ang kahalagahan ng agham at ang pagbabahagi ng impormasyon ukol dito ay isa sa mga leksyong napalutang ng pandemya sa sandaigdigan.

Sa buong mundo, kapanalig, naging napakahirap makapagbigay at makapagmudmod ng tamang impormasyon. Ang fake news ay naglipana. Ang mga pahayag ng mga eksperto ay hindi tinatanggap ng marami. Ang mga warning o babala ng mga otoridad ay tila walang nakakarinig. Ang mga datos na nagmula sa maliit o malawakan mang pag-aaral ay hindi pinapansin. Ang mga hoax, conspiracy theories, at tsismis ay nagkalat.

Kapanalig, bakit nga ba mas mahigipit ang kapit ng mga kwento-kwento kaysa mga datos sa mga tao, kahit saan mang panig ng mundo? Basta tsismis, sinasabi natin basta, may usok may sunog. Pero pag dating sa siyensya o ogham, naglalagablab na nga ang katotohan, halos wala pa ring naniniwala.

Ngayong panahon ng pandemya, masasabi nga natin na maliban sa COVID-19, mayroon pang isang outbreak ngayon sa buong daigdig—ang infodemic.

Kapanalig, dahil na rin sa malakawang lockdowns noong 2020, mas mabilis ang pagkalat ng balita sa social media.  Nagkaroon na rin ng infodemic, isang kataga mula sa pinagsamang salita—information at epidemic. Ito ay ang mabilis at malawak na pagkalat ng impormasyon, tama man o mali, ukol sa isang bagay. Sa bilis at dami ng impormasyon, naghahalo-halo na ang katotohanan, haka-haka, tsismis, o kahit joke, at nanganganak na ng nanganganak ng bagong storya. Nagmu-mutate din, kumbaga. Dahil dito, mahirap na masala ang katotohanan at ang kasinungalingan.

Kapanalig, mapanganib kung hindi natin mama-manage ang infomedic sa panahon ng tunay na pandemic. Kamatayan ang kahihinatnan ng malawakang infodemic, na maari naman iwasan kung malinaw at dumadating sa tao ang tamang mensahe at impormasyon.

Malaki ang ating bahagi sa pagpuksa ng infodemic sa ating lipunan. Nakita ng isang pag-aaral kamakailan, “The Link Between Fake News Susceptibility and Political Polarization of the Youth in the Philippines” na mahigit kalahati ng kanilang youth respondents ay average lang ang kakayahan sa pagkilala kung ano ang fake news o hindi. Kung ang kabataan ngayon ay mahina sa discernment o critical thinking, paano na ang bayan?

Sabi nga sa John 8:32: The truth will set you free. Kapanalig, walang kalayaan sa taong nagbubulagbulagan at nagbibingihan. Magmasid at makinig. Maging mapanuri tayo. Nakasalalay dito ang ating hinaharap.  Huwag nating hayaang magkalat pa ang infodemic.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,755 total reads

 10,755 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 109,902 total reads

 109,902 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,172 total reads

 154,172 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,283 total reads

 177,283 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,723 total reads

 251,723 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 10,756 total reads

 10,756 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 109,903 total reads

 109,903 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,173 total reads

 154,173 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,284 total reads

 177,284 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top