Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 268 total views

Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos, World Day of Prayer for Peace, 1 Enero 2022

Tinatawag nating INA NG DIYOS si Maria, dahil siya’y INA NG ANAK NG DIYOS. Tingnan muna natin ang Anak, upang maunawaan natin kung bakit tinatawag natin siyang Ina ng Diyos.

Ang sabi ng lider ng isang kontrobersyal na kulto, siya daw ang “Anak ng Diyos.” Ang alam ko lang, kahit nga ang ating Panginoong Hesukristo mismo, hindi niya ipinangalandakan sa publiko na siya’y “Anak ng Diyos”. Hindi niya kasi ugali ang magtaas ng sariling bangko. Ayon sa mga ebanghelista sinasaway pa nga daw niya ang sariling mga alagad niya kapag may tumatawag sa kanyang “Kristo” o “Mesiyas”. Dalawang ulit siyang tinawag na “Anak ng Diyos” ng diyablo upang pabagsakin siya; ngunit hindi ito nagtagumpay. Siya mismo, wala siyang ibinansag sa sarili kundi “Anak ng Tao.” Kinailangan pa muna niyang magdusa, mamatay, muling mabuhay at maisugo ang Espiritu Santo upang makilala siya ng kanyang mga alagad bilang “Anak ng Diyos.” At ang unang kumilala sa kanya bilang Anak ng Diyos ay hindi Hudyo kundi isang sundalong Hentil, isang Centurion, ayon kay San Markos. (Markos 15:39)

Sabi ni San Pablo sa ating second reading, “Sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae, at namuhay sa ilalim ng kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng kautusan. Sa gayon, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.” (Gal 4:4-5) Ibig sabihin, isa lang talaga ang tunay na Anak ng Diyos; lahat tayo’y mga ampon lamang. Hindi natin ito karapatan; ito’y biyayang kaloob ng Diyos sa mga kaibigan at kapanalig ng bugtong na Anak ng Diyos—na isinilang ni Maria.

Kaya nga, sabi pa ni San Pablo, “Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya kayo ng Espiritu ng kanyang Anak, nang tayo’y makatawag sa kanya ng ‘Ama! Ama ko!’” Dahil sa Espiritu Santong tinanggap natin sa binyag, hindi na daw tayo alipin kundi mga anak na inampon at tagapagmana ng kanyang kaharian, at ito raw ay ayon sa kalooban ng Diyos. (Rom 8:15-16) Ito, mga kapatid, ang mabuting balita ng Pasko ng Pagsilang ng Anak ng Diyos.

Tingnan naman natin ngayon ang INA. Sa araw na ito, pinararangalan natin ang babaeng naging daan upang ang Anak ng Diyos ay isilang bilang Anak ng Tao, at maging ating kapwa-tao. Sa pag-ako ng bugtong na anak ng Diyos sa tao bilang kapatid, nababahaginan ang tao sa biyaya at dangal ng pagiging “Anak ng Diyos.“

Alam kong hindi pa lubos na matanggap ng iba sa ating mga kapatid na Kristiyano ang bansag nating mga Katoliko kay Maria bilang INA NG DIYOS. Naiintindihan ko ang reaksyon na ito. Ako rin,noong kabataan ko pa, itinatanong ko kung paano ba matatawag na Diyos and Diyos kung mayroong nanay na nagsilang sa kanya?

Baka magiging mas malinaw kung bumalik tayo sa orihinal na bansag kay Maria bilang “THEOTOKOS,” “God-bearer.” Ang ibig sabihin, siya lang ang babaeng sabay na “nagdalang-TAO” at “nagdalang-DIYOS.” Kaya nang batiin siya ni Elisabeth, tinawag siyang INA NG AKING PANGINOON. Dinala niya ang Diyos na nagkatawang-tao sa kanyang sinapupunan. Ang isinilang niya ay sabay na “taong totoo at Diyos na totoo.” Kay Hesus, na anak ni Maria, hindi na natin mapaghihiwalay ang pagkaDiyos at pagkatao.

Ang pagtawag natin kay Maria bilang “Ina ng Diyos” ay pagkilala sa kababaang-loob ng Diyos na isilang siya ng isang taong katulad ni Maria. Hindi ibig sabihin na DiniDiyos si Maria. Sinasabi lang natin na ganoon ang minabuti ng Diyos, dahil sa kanyang kagandahang-loob at kababaang loob, upang tayong mga tao ay mabahaginan niya ng kanyang pagka-Diyos.

Ano naman ang kinalaman nito sa taunan nating pagdiriwang ng Solemnity of Mary, Mother of God, bilang World Day of Prayer for Peace (Pandaigdigang Panalangin para sa Kapayapaan?) Malaki. Kung naniniwala tayo na ang hangad na kaligtasan ni Kristo ay hindi lang para sa mga Hudyo at hindi rin para sa mga Kristiyano lamang kundi para sa lahat ng tao, dapat maging alagad ng kapayapaan ang sinumang tumuring sa sarili niya bilang alagad at kapatid, o kaibigan at kapanalig ni Kristo. Bakit? Dahil ito ang pahayag na mabuting balita ni Kristo: ang paggalang sa mismong pagkatao ng tao na niyakap niya—anumang kulay, lahi, kasarian, kultura o antas na panlipunan.

Ito ang pinaka-pundasyon ng prinsipyo ng kapayapaan para sa Kristiyano: ang buong pusong pagyakap sa radikal na pag-ibig ng Diyos para sa tao. Ibig sabihin, wala tayong dapat ituring bilang kaaway o kalaban dito sa mundo kundi si Satanas. Wala tayong ituturing na sinuman sa ating kapwa-tao bilang “masamang tao”. Ang radikal na pag-ibig ng Kristiyano ay naka-base sa paniniwalang ang tao ay LIKAS NA MABUTI, kahit gaano pa kasama ang pwede niyang magawa.

Pinanghahawakan ng Kristiyano na kapag nagkakasala o nakakagawa ng masama ang tao, katulad ng pagnanakaw, pagsisinungaling, panlilinlang, panlalait o paghamak sa kapwa, pananakit o pagpatay, ito’y dahil kung minsan nawawala ang tao sa sarili niya, nahihibang, o kusang nililigaw ng dimonyo. Tagumpay ang diyablo kapag napapalaki niya ang ating ulo sa pamamagitan ng pagkahumaling sa kapangyarihan, kayamanan, katanyagan, kapag imbes na tumulad tayo sa Diyos ay natuto tayong mag-Diyos-Diyosan.

Pero heto ang good news. Hindi tayo hopeless. Pwede pa tayong mahimasmasan o matauhan mula sa kahibangan, kung ang lulukob sa atin ay ang Mabuting Espiritu, kung matutuhan natin ang ginawang pagpapakumbaba ng Anak ng Diyos.

Huwag nating itakwil ang isa’t isa. Sa tuwing ating sinasariwa ang ating pananampalataya bilang Kristiyano, isa lang ang itinuturo sa atin na dapat itakwil: si SATANAS. Sa ating first reading, itinuro daw ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Moises,na sa halip na itakwil ang isa’t isa, dapat daw nating matutuhan pagpalain ang isa’t isa, kung ibig nating maranasan ang tunay na kapayapaan na sa kanya lamang nagmumula. Paano? Sa pamamagitan ng pagiging THEOTOKOS, katulad ni Maria: ang maging tagapagdala ng liwanag, tagapaghatid ng biyaya at pagpapala ng Diyos, upang hindi na tayo mahulog pang muli sa kahibangan.

Ano ang panlaban ni Mama Mary sa kahibangan? Sabi ni San Lukas: “Itinanim niya ang mga bagay na ito sa kanyang puso at kanyang pinagbulay-bulay.” Ito ang sikreto ng kapayapaan na itinuturo sa atin ng Mahal na Ina ngayong gabi: ang itanim sa puso ang mga gawain ng Diyos. Ang magbulay-bulay tungkol dito.

Alam ko, malalim na Tagalog na para sa maraming Pilipino ang salitang ito. Mas malalim ang ibig sabihin ng MAGBULAY-BULAY; hindi lang ito mag-isip-isip o magnilay-nilay. Kapag nagbubulay ang tao, inuunawa niya ang kahulugan ng mga bagay-bagay sa buhay niya, kung paano kumikilos ang Diyos sa mga karanasan natin. Kasama na dito iyung madalas kong paalala: ang selective remembering. Tandaan ang dapat tandaan. Kalimutan ang dapat kalimutan.

Kalimutan na ang mga galit at hinanakit. Iwaksi ang nakalalason ng kalooban, tandaan ang tinanggap na kabutihan at nagpalakas ng loob sa atin. Limutin ang yumuyurak sa ating pagkatao. Tandaan ang nagpaangat sa ating dangal. Limutin ang kahihiyang dulot ng mga kapalpakan ng nakaraan, tatandaan ang mga aral na ating natutunan. Maging handang magpatawad lalo na sa mga umaamin ng pagkakamali at nagsisisi at nagpapakumbaba. Panagutin ang mga nananatili sa kahibangan, tulungan silang mamulat, upang maitama ang pagkakamali.

Sa mga sibilisadong bansa sa panahon natin ngayon, hindi na parusa ang turing sa imprisonment o pagbibilanggo sa mga sintinsyado, kundi “restorative justice”. Hindi tayo magkakaroon ng kapayapaan sa daigdig kung manatili tayo sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin,” of “lintik lang ang walang ganti.” Hindi solusyon sa kriminalidad ang torture o bitay. Walang mag-aangat sa ating pagkatao kundi ang pag-ibig, ang radikal na pag-ibig na itinuro sa atin ng Anak ng Diyos. Iyung hindi mo ikatutuwa ang anumang makasisira sa iyong kapwa, kahit sa iyong mga kaaway. Ito ang pormula ng kapayapaan, ang daan tungo sa mas makatao at mas makaDiyos na kabihasnan. Isang mapayapang bagong taon po sa ating lahat.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,742 total views

 5,742 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,715 total views

 11,715 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,470 total views

 17,470 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,733 total views

 24,733 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,718 total views

 32,718 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 622 total views

 622 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 625 total views

 625 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,379 total views

 3,379 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,794 total views

 7,794 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,120 total views

 3,120 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,643 total views

 3,643 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,142 total views

 5,142 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,986 total views

 5,986 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,241 total views

 4,241 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,454 total views

 8,454 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,687 total views

 7,687 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,897 total views

 11,897 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,345 total views

 5,345 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,349 total views

 5,349 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,349 total views

 5,349 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top