Habang may buhay, may pag-asa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 804 total reads

Ito ang mensahe ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Father Anton CT. Pascual sa pagsalubong ng bagong taong 2022.

Ayon sa Pari na nararapat na ipagkatiwala sa Panginoon ang darating na taon na puno ng biyaya at pagmamahal sapagkat ipinadala ng Diyos si Hesus sa sanlibutan upang tubusin sa kasalanan.

Sinabi pa ni Fr. Pascual na ang pagsilang ni Hesus ay hudyat ng katubusan at pag-asa ng mamamayan na nahaharap sa anumang banta at pagsubok sa buhay.

“Habang buhay may pagasa sapagkat may Diyos na nagmamahal sa atin at kasama natin Siya sa pagpasok ng Bagong Taon 2022. Sa harap ng mga pagsubok tulad ng mga kalamidad, tayo ay hindi nag-iisa,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Matatandaang isa ang Caritas Manila sa kagyat na nagpaabot ng kalahating milyong pisong paunang tulong sa mga diyosesis at arkidiyosesis na nasalanta ng bagyong Odette nitong Disyembre.

Patuloy na tiniyak ni Fr. Pascual sa mga nasalantang pamayanan ang pagtugon ng simbahan sa pamamagitan ng social arm ng Archdiocese of Manila sa laranagan ng rehabilitasyon at reconstruction ng mga nasirang bahay at simbahan sa Visayas, Mindanao at Palawan.

Iginiit ng opisyal na malalampasan ng mamamayan ang anumang kalamidad sa pamamagitan ng pagdadamayan at pagmamalasakit sa kapwa sa gabay ng Diyos.

“Kasama natin ni Hesus at ang buong sambayanan na haharap at sa awa ng Dyos ay magtatagumpay,” ani Fr. Pascual.

Sa kasalukuyan nasa P20.3-million pesos na ang naipamahaging tulong pinansyal ng Caritas Manila sa mga Diyosesis ng Surigao, Tagbilaran, Talibon, Maasin, Kabankalan, San Carlos, Dumaguete, Puerto Princesa at Taytay sa Palawan at sa Arkidiyosesis ng Cebu.

Matapos ang relief operation tutukan ng Caritas Manila ang reconstruction sa mga napinsalang bahay at simbahan sa mga nabanggit na lugar kaya’t patuloy din ang pangangalap ng pondo para tustusan ang proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,843 total reads

 10,843 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 109,984 total reads

 109,984 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,254 total reads

 154,254 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,365 total reads

 177,365 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,798 total reads

 251,798 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top