BFP, nanawagang iwasan ang magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,131 total views

Pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection ang mamamayan na iwasan ang paggamit ng paputok sa bagong taon upang maiwasan ang sakuna tulad ng sunog.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay BFP Spokesperson Supt. Annalee Carbajal- Atienza, ibinahagi nitong puspusan na ang BFP sa pagsasagawa ng awareness campaign laban sa masamang idudulot ng paputok.

“Nagsimula noong December 9 ang ating ‘Oplan Paalala Iwas Paputok’ para ipalaganap ang awareness at ma-prevent po talaga ang incidence ng firecrackers related,” bahagi ng pahayag ni Atienza sa Radio Veritas.

Ayon pa sa opisyal na naglunsad ng iba’t ibang programa at hakbang ang mga kawani ng BFP sa buong bansa upang mapalawak ang kampanya lalo’t ilang araw na lang ay sasalubungin na ang bagong taon.

Ilan sa hakbang ng BFP ang pagpapakalat ng awareness sa mga establisimiyento, ang social media awareness campaign at maging ang paglilibot ng mga firetrucks sa komunidad upang paalalahanan ang mamamayan na iwasan ang paputok sa bagong taon.

Nilinaw naman ni Atienza na hindi inaalisan ng hanapbuhay ang mga pamilyang gumagawa at nagbebenta ng paputok partikular sa Bocaue, Bulacan kundi tinutulungan ng ahensya ang mga negosyanteng matiyak na ligtas ang kanilang lugar mula sa panganib ng pagkasunog.

“Definitely hindi naman sa tanggalan sila ng hanapbuhay ang atin po ay closed monitoring talaga assurance na wala talagang mangyayari by simply advising them or supervising sa pag set-up ng tindahan; pagkakaroon ng standby firefighting appliance tulad ng fire extinguisher,” ani Atienza.

Binigyang diin ng opisyal na mahalaga ang mga firefighting equipment upang agarang maapula lung sakaling may insidente ng pagkasunog sa mga tindahan.

Umaasa ang pamunuan ng BFP na manatiling zero case ng sunog kaugnay sa paputok ang pagsalubong ng 2022 katulad noong sinalubong ang 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 12,676 total views

 12,676 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 137,087 total views

 137,087 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 180,439 total views

 180,439 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 260,953 total views

 260,953 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top